Dennis Padilla napagsama-sama ang limang anak
Dennies kasama ang mga anak
Dennis Padilla napagsama-sama ang limang anak
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2019 - 12:00am

Masaya ang actor-comedian-director na si Dennis Padilla dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay napagsama niya ang kanyang mga anak sa kanyang ex-wife na si Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia at Leon at maging ang kanilang half bothers na sina Luis at Gavin sa isang okasyon this Christmas season.

Sa ilang occasion  ay si Julia lamang ang nakakasama ni Dennis pero never ang dalawa pa nitong mga kapatid na sina Claudia at Leon.  Kaya naman sobra ang kasiyahang nadama ni Dennis na mapagbigyan siya ng tatlo niyang anak kay Marjorie makasama ang dalawa pa nilang kapatid.   Ang ganitong okasyon ay bihirang mangyari kaya nagpapasalamat si Dennis.

Samantala, matapos makitang nag-bonding sa isang restaurant si Dennis kasama ang mga anak, umalis naman recently si Marjorie kasama ang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon at bunsong si Erich na lumipad patungong Los Angeles, California kung saan nila sasalubungin ang Bagong Taon.  Hindi naman nakasama sa biyahe ang panganay na anak ni Marjorie na si Dani Barretto-Panlilio at mister nitong si Xavi at anak na si Millie dahil hindi pa umano puwedeng ibiyahe si Baby Millie kaya sa Tagaytay na lamang sila nagpunta.

Speaking of Julia, may nagsabi sa amin na isa umano ito sa dumalo sa recent wedding ceremony nina Rodjun Cruz at Dianne Medina na ginanap sa Manila Cathedral nung nakaraang  December 21 na sinundan ng reception sa Sofitel Hotel. Dumalo rin daw si Gerald Anderson pero hindi umano nakita ang dalawa na magkasama.

Malamang na nagkaiwasan din ang dalawa para hindi sila ma-tsismis.

Ano sa palagay mo, Salve A.? Valerie kinasal na

Valerie and Francis

Although hindi na nakilala ng teenage daughter ng actress na si Valerie Concepcion na si  Heather Fiona ang kanyang biological father na pamangkin ng singer-actress at radio anchor na si Ali Sotto, hindi kailanman nagtanim ang bata ng hinanakit sa ama.

Sixteen years old pa lamang noon si Valerie at bagong pasok sa showbiz nang kanyang ipagbuntis si Heather sa kanyang unang boyfriend na hindi na nagpakita sa actress since then.

Mag-isang pinalaki ni Valerie ang kanyang anak sa tulong na rin ng kanyang pamilya.  Wala ring inilihim na impormasyon si Valerie sa kanyang anak tungkol sa kanyang ama.

Ang maganda, napalaki ni Valerie si Heather na isang mabait at masunuring bata at super ang bonding nilang mag-ina pati na sa mga biyahe.

Since bata pa ang kanyang ina, hindi rin pinigilan ni Heather na makipag-relasyon sa iba si Valerie hanggang matagpuan nito ang lala­king magdadala sa kanya sa altar sa katauhan ng Guam, USA-based na si Francis Sunga na nakilala ni Valerie through a common friend.

Si Francis ay may isa ring anak na babae sa dati nitong nakarelasyon kaya naintindihan nito ang pagiging isang single parent ni Valerie sa kanyang teen-age daughter.

Matapos ma-engaged ang dalawa, sina Valerie at Francis ay nagpakasal sa isang Christian garden wedding in Tagaytay nung nakaraang Sabado, December 27 na dinaluhan ng kanilang respective families ma­ging ang kanilang malalapit na kaibigan in and out of showbiz.  Namataan din doon ang bagong kasal na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina ma­ging ang mag-asawang Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz.

Kahit may asawa na si Valerie, tuloy pa rin umano ang kanyang acting career na suportado ng kanyang husband.

Hindi rin malinaw kung sa Guam pa rin mananatili si Francis and his daughter o magre-relocate na rin sila sa Pilipinas.  Nasa Guam ang trabaho ni Francis.

DENNIS PADILLA GRETCHEN BARRETO JULIA BARRETO VALERIE CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with