Mga tinanggalan ng sinehan, umalma!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 28, 2019 - 12:00am

Hindi nagpapabaya ang mga artistang involved sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entries na pinapanood sa mga sinehan.

Nung araw ng Pasko mismo ay nag-ikot si Maine Mendoza sa mga sinehan para magpasalamat sa mga fans na nakipila para mapanood ang Mission Unstapabol.

Hindi na nga raw sumama si Maine sa Christmas vacation nina Arjo Atayde sa Dubai, dahil mas pinili niyang mag-ikot sa mga sinehan.

Tuwang-tuwa naman ang fans na nasorpresa sa pagdating ni Maine sa mga sinehan pinuntahan nila.

Hindi lang si Maine ang nag-iikot, ganadong-ganado si Aga Muhlach na nag-ikot din sa mga sinehan para magpasalamat sa mga nanood ng Miracle In Cell No. 7.

Maganda ang feedback sa pelikula at kaagad kumalat kaya hindi ito bumaba ng mga sumunod na araw, kundi lalo pang lumakas.

Pati si Vice Ganda ay nag-ikot din sa SM Megamall at sa SM Pampanga.

Ganun naman kasi talaga kapag may MMFF entry ka, dapat tuluy-tuloy ang promo at maganda ‘yung nag-iikot ka sa mga sinehan.

Malalaman natin ‘yan pagkatapos ng awards night kagabi.

Samantala, pinanindigan ng aming source na hindi raw talaga kasinlakas nung nakaraang taon ang festival.

Ang first day lang daw ngayong MMFF ay halos 150M daw ang kinita.

Ang pagkaalala ko, mahigit 170M ang day one ng MMFF 2018.

Abangan na lang natin ang official statement ng MMFF pagkatapos ng naturang filmfest.

So far, ang The Mall The Merrier, 3Pol Trobol, Miracle in Cell No. 7 at Mission Unstapabol pa rin ang namamayagpag sa takilya.

Nalulungkot naman ang ilang  artista na involved sa mga pelikulang hindi gaanong nakikipaglaban sa takilya.

Ipinost ni Jasmine Curtis Smith ang tweet ng isang gusto sanang manood ng Culion.

Bumili raw siya ng ticket ng Culion sa online pero pagdating sa sinehan, hindi na raw ito palabas.

Nag-react si Jasmine na nakakalungkot naman daw ang ganung balita.

Si Pokwang naman ay nag-post din sa kanyang Facebook account dahil sa pagtanggal ng ilang mahihinang pelikula sa mga sinehan.

Sabi niya sa kanyang FB post; “Nakakalungkot naman ang asal ng karamihang sinehan sa Pinas!

“Wag naman tayo puro sa pera lang kasi di naman natin madadala sa hukay!

“Tao po…MMDA Head Office, magkaroon sana kayo ng dialogue with mga sinehan or agreement na sana yung mga pelikulang kagaya ng Culion at Mindanao ay bigyang prioridad din at wag alisin agad sa mga sinehan para lang mas kumita kayo!

“Wag nyong burahin sa isipan ng henerasyon ngayon ang kuwento ng ating lahi! History yan, ika nga, ano ba kayo???”

Ang hinihiling lang sana niya ay kahit mag-iwan man lang daw sana ng kahit tig isang sinehan sa bawat mall nationwide pero may tsansa namang makapanood ang mga tao ng ganitong matitinong pelikula.

“Sana, pantay kayo sa pagtrato sa lahat ng pelikula tuwing festival, once a year lang ito.”

Kasali si Pokwang sa Mission Unstapabol, pero ang asawa niyang si Lee O’Brian ay bahagi sa pelikulang Culion.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with