Aga
Aga iilang eksena sa original na Miracle... ang pinanood
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2019 - 12:00am

Patuloy na pinipilahan ngayon sa mga sinehan ang pelikulang Miracle in Cell No. 7 na pinagbibidahan ni Aga Muhlach. Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2019.

Mas pinili umano ng aktor na huwag nang pano­orin ang Korean na orihinal na bersyon ng pelikula bilang paghahanda sa pinag-uusapang proyekto ngayon. “Parang ayoko nang gano’n, mas masaya ako sa binasa ko na script. Mas gusto kong gawin ‘yung pelikula ng parang atin talaga. From time to time while we were filming, I would watch scenes pero nili-limit ko. Kung bibilangin ko nga mga 6 to 8 scenes only sa buong film. Pinanood ko lang para ma-feel ko na, ‘Ah ganito pala siya,’” nakangiting kwento ni Aga.

Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas noong huling nakalahok ang pelikula ng aktor sa MMFF. Matatandaang nakatambal ni Aga si Lea Salonga sa Bakit Labis Kitang Mahal noong 1992 at si Aiko Melendez naman noong 1993 para sa May Minamahal.

“Feeling ko parang kailan lang ‘yon. Pero nang binilang ko 28 years ago. Para sa akin normal na ‘yon pero para sa ibang tao, parang ang bata ko. When I did this May Minamahal at Bakit Labis Kitang Mahal, I was 22 or 23 years old,” pagbabahagi ng aktor.

Joem napatunayang ‘di puwedeng successful sa career at lovelife

Kahit nagkahiwalay bilang magkasintahan sina Joem Bascon at Crisha Uy ay masaya pa ring sasalubungin ng aktor ang Bagong Taon.

Para kay Joem ay maraming mga biyaya ang kanyang natanggap ngayong 2019 kahit na hindi sila nagkatuluyan ng dating kasintahan.

“I’m very happy na napapalibutan ako ng mga supportive at mga nagmamahal na mga kaibigan sa akin. Sa lahat ng ginawa kong pelikula nagkaroon ako ng love, binibigyan nila ako ng suporta offcam. I’m just happy na even though may pinagdadaanan ako, nirerespeto nila kung ano ‘yung pinagdaanan ko. And I guess makakalampas naman ako for 2020, na mahaharap ko siya nang maayos with all the people around me,” makahulugang pahayag ni Joem.

Hindi inakala ng aktor na kahit umabot ng maraming taon ang naging relasyon nila ng dalaga ay humantong din ito sa hiwalayan. Naniniwala na raw ngayon si Joem sa sinasabi ng ilan na hindi umano suwerte sa buhay pag-ibig ang isang artista na maganda ang takbo ng career. “Hindi ko nga alam na biglang nangyari. Bigla palang nangyayari talaga ‘yon. Akala ko pwede talagang makuha ‘yung both success, both worlds. It really happens eh. That’s the reality of life. I’m going to face it like a man kung anuman ‘yung consequences at dapat pagdaanan. Kailangan ko lang siyang tanggapin at dapat maayos at respectful ‘yung pagharap ko or pakikitungo kung anuman ‘yung mangyayari,” paglalahad ng binata. 

(Reports from JCC)

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with