^

PSN Showbiz

Angel handa nang labanan ang mga pirata

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angel handa nang labanan ang mga pirata
Angel Locsin

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Angel Locsin dahil sa pagkakahirang sa kanya ng Forbes Asia Magazine bilang isa sa tatlumpu nitong notable charity donors. Madalas na nagbibigay ng tulong nang palihim ang aktres sa mga kababayang mayroong pangangailangan sa oras ng mga kalamidad o sakuna.

“Nahihiya talaga akong pag-usapan ‘yung gano’ng mga bagay. Of course gusto ko i-acknowledge kasi Forbes Asia di ba, napaka-surreal nang pakiramdam talaga mapabilang ka katabi ng mga naglalakihang mga tao. Pero nakakalungkot kasi napabilang ka doon, kasi naalala ko kung bakit ako nandoon. May mga taong nag-suffer, may mga nasalanta, may mga namatay, nakakalungkot,” pahayag ni Angel.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa pagkilala ng naturang magazine sa kanyang mga ginagawang pagtulong sa kapwa. Umaasa si Angel na magiging inspirasyon ito para sa iba lalo na sa mga kabataan na magkusa ring magbigay ng tulong sa mga panahong kinakailangan. “Naisip ko na lang na basta ayoko talaga pag-usapan, naiisip ko na lang na baka isa ‘tong paraan para makapag-inspire pa ng mga kabataan na tumulong rin. Wala kayong kailangan antayin na oras, ‘pag may nangangailangan, wala nang tanung-tanong tulungan n’yo,” giit niya.

Para kay Angel ay mas masarap sa pakiramdam na nakikita niyang napapawi ang lungkot na nadarama ng mga taong kanyang natutulungan. “Sa totoo lang, kung makikita mo ‘yung kaligayahan ng natulungan mo, siguro triple ‘yung kaligayahan na mararamdaman mo kapag ikaw ‘yung taong nakatulong. Better na ikaw ang tumutulong kaysa mapunta ka doon sa situation nila. Mas marami kang ipagpapasalamat talaga. iba ‘yung walang kapalit di ba, ‘yung tumulong ka nang walang kapalit,” paliwanag ng dalaga.

Hanggang maaari ay ayaw talagang ipaalam ng aktres ang kanyang mga ginagawang pagtulong sa iba’t ibang lugar sa bansa. “Lahat naman ng plano ko walang nakakaalam. So imi-maintain ko na lang na gano’n lang talaga. Of course maliit na grupo lang ‘yon, minsan apat lang kami. For security reasons rin talaga at wala talaga akong plano na ipaalam talaga. Mas okay na nagwo-work nang gano’n. Kasi nagiging fan’s day eh, nakakalimutan na charity ‘yung pinuntahan. Maraming nagte-take advantage, gumugulo ‘yung lugar. So hindi rin pabor sa mga taong pinupuntahan,” pagbabahagi ng aktres.

Samantala, kamakailan ay pormal nang ipinakilala si Angel bilang pinakabagong celebrity ambassador ng Optical Media Board o OMB upang labanan ang lumalalang piracy sa bansa. Hindi raw nagdalawang-isip ang aktres sa bagong hamon na ipinagkaloob sa kanya. “Noong sinabi po sa akin ang tungkol sa proyektong ito, hindi po talaga ako nagdalawang-isip. Kasi ang industriyang ito ang bumubuhay sa ating lahat at lahat po tayo ay nakikinabang dito. Sapat lang po na gawin ko ang aking obligasyon para tulungan ko ang industriyang ito, ang industriyang bumubuhay sa pamilya ko,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Bilang isang alagad ng sining o artista ay ramdam umano ni Angel  ang pagbagsak ng industriya ng pelikula dahil sa pamimirata nang marami. “Simula nang pumasok ako sa industriya talagang talamak na ang pirata. Marami na akong nakita na producers ang umiiyak at nararamdaman ko na paliit nang paliit na ang movie industry. Sana po magtulungan po tayo na maipahatid sa publiko na tigilan na po ang pamimirata dahil marami marami na po ang nadadamay, mula sa mga nagtatrabaho sa likod at harap ng camera,” paglalahad ni Angel.     (Reports from JCC)

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with