LizQuen
LizQuen, MayWard, Gerald, at Carlo hahataw sa ABS-CBN shows next year, Marian at Dingdong handa na sa primetime ng GMA
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2019 - 12:00am

Handang-handa na ang ABS-CBN and GMA-7 sa 2020.

Nakalatag na ang mga programa nila.

Ang Kapamilya Network, sunod-sunod na mga bago at naglalakihang programa sa pagbubukas ng 2020, kasama ang mga teleseryeng pagbibidahan ng mga pinakasikat, pagbabalik ng minahal na reality-singing competition, at inaabangang Asian dramas.

Matapos nga ang higit sa isang taon na paghihintay ng kanilang mga tagahanga, nakatakda nang magbalik-telebisyon ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil ngayong Enero sa pag-uumpisa ng kanilang seryeng Make It With You na kinuhanan sa Croatia.

Gerald

Matutunghayan din sa Enero ang pagsasama-sama ng mga aktor mula sa iba’t ibang henerasyon na bibigyang buhay ang kwento ng mga huwarang sundalo sa A Soldier’s Heart, na pina­ngungunahan nina Gerald Anderson, Nash Aguas, Yves Flores, Elmo Maga­lona, Vin Abrenica, Jerome Ponce, at Carlo Aquino.

Dalawang bagong Asian dramas din ang mapapanood simula Enero, kabilang ang most awarded nitong 2019 na  Yang Xi at Flower Crew Dating Agency na pinagbibidahan ng South Korean actor at rapper na si Kim Min-jae.

Mag-uumpisa naman ang Pebrero sa pagbabalik ng reality-singing competition na The Voice Teens, kung saan muling sasabak ang international star na si Apl.De.Ap bilang isa sa coaches.

Tampok naman sa Marso ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber na kakikiligan sa kanilang unang teleserye na When We Fall In Love na kinunan sa bansang Japan.

Samantala, ang GMA-7 handa na sa tapatan.
Mangunguna rito ang TV adaptation ng hit 1984 movie, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, starring Barbie Forteza, Kate Valdez, Snooky Serna and Dina Bonnevie

Mapapanood na rin ang Love Of My Life na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Mikael Daez, and Rhian Ramos with Ms. Coney Reyes and Tom Rodriguez in a very special role.

Dingdong & Jennylyn

Mapapanood na finally ang local adaptation of hit Korean series na Descendants of the Sun (DOTS), sa pagpasok ng 2020. Pinagbibidahan nina Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado, ang DOTS Ph tells the emotional love story of alpha team leader Captain Lucas Manalo or ‘Big Boss’ and Dr. Maxine dela Cruz a.k.a. Beauty.

Wala ring urungan ang pagbalik sa primetime ni Sen. Bong Revilla.

Pagkatapos nga ng ilang taong pamamahinga matapos ma-detain, mapapanood siya via drama-fantasy program, Agimat ng Agila na ngayon pa lang ay controversial na.

My First Yaya

At kukumpleto sa primetime offerings ng GMA for 2020 ang hinihintay na pagbabalik sa TV ng Reyna ng Kapuso Network na si Marian Rivera-Dantes katambal si Gabby Concepcion in First Yaya. In the series, Gabby steps into the shoes of the Vice President of the Philippines who soon finds himself falling for the endearing yaya na gagam­panan nga ni Marian.

Talagang pinaghandaan ng ABS-CBN and GMA-7 ang 2020. Kaya happy new year talaga.

ABS-CBN GMA PRIMETIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with