^

PSN Showbiz

Male personality na tamad ‘di nakayanan ng partner na madatung

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Male personality na tamad âdi nakayanan ng partner na madatung
Gretchen

Ang matinding katamaran ng isang kilalang male personality ang tunay na dahilan kung bakit siya hiniwalayan ng kanyang ka-live-in na mula sa isang pamilyang yayamanin at kilala sa ating lipunan.

Sagana sa masasarap na salita ng pagmamahal ang bibig ng male personality, napakasarap niyang mangako at magsalita, pero napatunayan ng girl na hindi pala sapat ‘yun para magtagal ang kanilang relasyon.

Kuwento ng aming impormante, “Matagal bago natanggap ng family ng girl ang aktor na ‘yun. Kasi nga, nakararating sa pamilya ng babae ang pagiging tamad at mabisyo nu’ng lalaki.

 “Pero dahil masaya nga ang girl, e, walang naging choice ang parents niya kundi ang tanggapin na lang ang guy. Napakasuwerte nga niya, dahil binigyan agad sila ng puhunan para sa negosyo ng family ng girl!” umpisang kuwento ng aming source.

Sa umpisa ay okey naman ang kanilang pagsasama, nakaisang taong mahigit din naman sila, pero sa kalagitnaan ng mga panahong ‘yun ay kasama na ang pagtitiis ng babae.

Sabi pa rin ng aming source, “Kinimkim lang muna ng girl ang mga pagtitiis niya, ayaw niyang magsalita sa mommy niya, kasi nga, siya rin naman ang sisisihin kung bakit ipinaglaban pa niya ang lalaking ‘yun!

“May mga projects dapat ang male personality, pero mapili siya sa role, dahilan na lang niya ‘yun dahil ang totoo, e, tinatamad lang siyang magtrabaho!

“’Yung business na inumpisahan niya, e, ang girl lang ang nag-aasikaso, palaging natutulog lang ang male personality. Umaalis ang girl na tulog siya, umuuwi mula sa work ang babae na nakahilata pa rin siya sa kama.

“Hanggang sa one day, e, binigyan na siya ng ultimatum ng babae. Kapag hindi pa rin siya kumilos, maghanap na siya ng ibang makakarelasyon. Umayos naman siya nang two weeks, pero pagkatapos nu’n, balik na naman siya sa dati.

“Hindi na kinaya pa ng girl ang lahat, kinausap niya na ang mommy niya, ayaw na niyang makasama pa sa aktor na ipinaglihi yata sa tulog!

“Nagkaroon sila ng baby, nasa girl ang bagets, ni hindi man lang dinadalaw ng male personality ang anak nila. Parang ganu’n din sa isa pang baby niya sa isang female personality, deadma lang siya!

“Sobrang katamaran, ‘yun ang reason kung bakit nanghinawa na ang yayama­ning anak-mayaman sa aktor. Wala siyang nagtatagal na girlfriend, papalit-palit siya, pero walang tumatagal sa kanya.

“Kilala ang male personality na ito sa kanyang palayaw na dalawang letra lang. ‘Yun na!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Gretchen at Dolor Guevarra may isyu sa bigas!

Nakakita ng katapat si Gretchen Barretto kay Tita Dolor Guevarra at sa panganay nitong anak na si Jaypee na tulad ng kanyang ina ay wala ring inuurungan.

Ang kuwento ay nag-ugat sa kaban-kabang bigas na diumano’y galing sa farm ni Atong Ang na ipinadadala raw ng aktres kay Tita Dolor para ipamahagi sa kanilang mga kaibigan.

Tsinek ‘yun ni Gretchen, bakit daw hindi man lang siya pinasasalamatan ng mga pinadalhan niya ng bigas, ilang ulit daw siyang nagpadala sa pamamagitan ni Tita Dolor.

Natural, itinanong ‘yun ng mga kinausap ni Gretchen kay Tita Dolor, galit na galit ang manager dahil walang katotohanan ang kuwento ni Gretchen. Walang bigas na nakararating sa kanya para ipamahagi sa kanilang mga kaibigan.

Para kina Tita Dolor at Jaypee ay napakahusay mag-fabricate ng mga kuwento ng aktres, nagagawa niyang parang totoong-totoong nagaganap ang kanyang mga istorya, kaya tinext ni Tita Dolor si Gretchen.

Ang kanyang sabi, “Gret­chen, stop making-up stories about my family. Huwag mong palabasing nagte-take advantage kami sa iyo. Pati sina SK at June, hinahanapan mo ng bigas?

“Di ba, sa bibig mo mismo nanggaling na ilalagay lang sila sa listahan, pero hati-hati kami nina Bettina sa bigas na ‘yan? Ikaw mismo ang nagtanggal sa kanila sa grupo, di ba?

“Hindi mo na ‘yun maalala o paninindigan mo na naman na hindi mo ‘yun alam? At huwag mo ring palabasin sa ibang tao na love mo ako at si Jaypee lang ang kaaway mo!

“Sa palagay mo, hindi nakararating sa amin ang mga kuwentong sinasabi mo laban sa amin? ‘Yan ba ang sinasabi mong love mo ako?

“Tama ka, you don’t lie, because you fabricate the truth, Gretchen!” kumpletong mensahe ni Tita Dolor sa aktres.

Ang makasaysayang bigas, bow!

BIGAS

DOLOR GUEVARRA

GRETCHEN BARRETO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with