^

PSN Showbiz

Inday Sara hindi umaasa sa mga bodyguard

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Inday Sara hindi umaasa sa mga bodyguard
Sara

Bukod kay Sen. Bong Revilla na tila na-miss nang husto ng mga kababayan natin dito sa Amerika, isa sa pinagkaguluhan ng mga bisita sa wedding nina Vice Gov. Jolo Revilla at Angelica Alita ay ang presidential daughter na si Mayor Inday Sara Duterte.

Tinatawag din nila itong Inday Sara roon para makapagpalitrato.

Dun lang namin nakita nang malapitan si Inday Sara na ang ganda pala ng mukha. Sabi ni Bernard Cloma na napakaraming connection, inaayos daw niyang mapasama sa isa sa mga sikat na endorsers ng Frontrow ang Davao City mayor. Kaya celebrity na rin talaga ang dating niya.

Pero ang simple lang niya na kahit may kasamang security na umaalalay sa kanya, hindi siya umaasa dun. Hindi siya iyung utos nang utos. Kung ano ang kailangan niya, siya ang kumukuha, kahit nagkandarapa ang iba sa pag-alok na sila na ang kukuha.

Nasa cocktails pa lang kami sa reception ng wedding nina Jolo at Angelica, siya ang kumukuha ng wine na gusto niyang inumin. Kahit merong gustong kumuha para sa kanya.

Mga ganung maliliit na bagay na ang daming umalalay at nakikisipsip sa kanya, ayaw niya. Lahat kinakausap niya, mabait siya na parang mahiyain pa kapag kapanayamin mo, pero napaka-cowboy.

Kaya ang daming natuwa sa kasimplehan niya. Tinanong namin siya sa closeness nila ni Sharon Cuneta, at mula pa nga raw nung bata siya ay nakilala na raw niya ang megastar dahil naging fan daw siya talaga nito.

Hindi naman daw sila madalas nagkakatsikahan, pero sa mga importanteng events ay nagbabatian daw sila. “Hindi naman constant communication…pero mga important events like birthday niya gini-greet ko siya. Christmas, gini-greet ko siya,” kuwento niya sa amin.

Na-enjoy nang husto ni Sara ang kasalang iyun nina Jolo at Angelica. Close raw kasi siya sa mag-asawang Sen. Bong Revilla at Mayor Lani Mercado. Kaya hindi raw niya matanggihan ang request nilang mag-ninang sa kasal ni Jolo.  “I wish them many and healthy, happy children…babies, and I wish them a lifetime of love and happiness,” pahayag pa ni Inday Sara.

Pamilya ni Maine adik na sa pagpa-franchise ng fastfood chain

Parang nahihiya pa si Maine Mendoza pag napapag-usapan ang mga franchise niya sa isang fastfood chain.

Nakaapat na pala siyang franchise ng naturang food chain dahil gusto raw ng Mommy niya na magdagdag.

“Masaya yata ang Nanay ko yun, kasi kapag magbukas ng McDo, meron na namang naka-schedule na isa. Adik talaga siya sa franchise, joke!” natatawa niyang sagot sa amin nang nakatsikahan namin sa mediacon ng Mission Unstapabol: The Don Identity.

Mabuti at maganda naman daw ang resulta ng lahat na mga binuksan nila.

Hinahayaan na lang daw niya ang Mommy niya na mag-handle ng ganitong negosyo dahil iyun daw talaga ang gusto niya.

Natutuwa na rin daw siya kay Alden Richards dahil maganda rin ang takbo ng McDo nito sa Laguna.

Mukhang may idadagdag din nga itong isa pang franchise somewhere in Laguna rin.

Ang natutuwa lang daw siya dahil hindi talaga siya kinakalimutan ni Vic Sotto na isama sa mga pelikulang ginagawa nito.

Bonding na raw nila ni Bossing Vic na nagsasama sa pelikulang MMFF.

MAINE MENDOZA

MMFF

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with