Kuha nina Vico Sotto at Gretchen Ho habang sabay na nanunuod ng volleyball game noong Southeat Asian Games.
Mula sa UAAP - NCAA Memes Twitter account
'Wala siyang time': Bossing Vic ayaw pang maniwalang may relasyon sina Vico Sotto, Gretchen Ho
(Philstar.com) - December 17, 2019 - 4:53pm

MANILA, Philippines — Hindi pa raw kakagatin ng batikang komedyante na si Vic Sotto ang mga bali-balitang may namamagitan na sa kanyang anak na si Pasig Mayor Vico Sotto at Kapamilya reporter na si Gretchen Ho.

Matatandaang namataan sina Vico at Gretchen na magkasamang nanunuod ng volleyball game nitong huling Southeast Asian Games, dahilan para itanong ng netizens kung may relasyon nga ba ang dalawa

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ng aktor na duda pa siya sa mga inilulutang na ugong-ugong.

"I don’t think so. Malalaman ko personal[ly] kapag merong confirmation. But knowing him, I don’t think he has time. Wala siyang panahon," pahayag ni Bossing Vic.

Hanggang sa ngayon, tahimik pa ang dalawa tungkol sa usap-usapang ugnayan nila.

Dati nang sinabi ni Vico sa panayam ng "24 Oras" na wala pa siyang oras para makipagrelasyon: "'Pag may free time ako, mas gusto ko pang matulog o magpahinga na lang."

Aniya, Diyos na raw ang bahala kung ano ang mangyayari sa kanyang buhay pag-ibig.

Dagdag pa ni Vic, kahit sa kanya mismo ay wala nang oras ang anak nila ni Coney Reyes dahil sa dami ng inaasikaso sa pinamumunuang lungsod.

"Dati every week nagdi-dinner kami, ngayon medyo every other week na lang. Bising-bisi talaga marami siyang inaayos sa Pasig," sabi pa niya.

Matatandaang tinapos ni Vico ang 27 taong paghahari ng pamilya Eusebio sa Pasig at kasalukuyang pinupuri ng ilang grupo dahil sa mga progresibong tindig sa isyu ng mga manggagawa— James Relativo

GRETCHEN HO VIC SOTTO VICO SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with