Vic
Vic handa sa pagsasama nila ni Vice
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

Noong isang taon ay nakasama nina Vic Sotto at Maine Mendoza si Coco Martin para sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Maraming mga nagtatanong ngayon kay Vic kung posible rin kayang magsanib-pwersa sila ni Vice Ganda sa isang pelikula. “Bakit hindi? Wala namang imposible. Ako naman I would like to believe na kaibigan ko lahat. Wala akong kaaway eh. Ayokong may kaaway eh. siguro kasabay sa pelikula pero it’s not necessary na kaaway ko na ‘yon,” pagtatapat ni Vic.

Hindi lamang daw masabi ng beteranong komedyante sa ngayon kung kailan posibleng mangyari ang paggawa nila ng pelikula ni Vice. “I don’t know. We will cross the bridge when we get there. Open ako sa lahat, basta sa ikagaganda ng takbo ng pelikulang Pilipino, eh open ako,” giit ng aktor.

Tiyak na pipilahang muli sa mga sinehan ngayong kapaskuhan ang pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity na pinagbibidahan ni Vic.

Vice

Coco, nag-t-back para mas maging sexy

Makakasama ni Coco Martin sina Jennylyn Mercado at AiAi delas Alas sa pelikulang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon. Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2019.

Ayon kay Coco ay ito na marahil ang pinakamahirap niyang nagawang pelikula dahil nagbihis-babae bilang si Paloma ang aktor. “Ang hirap magbihis-babae, talagang in-effort-an ko. Lahat ng looks ko, talagang iniba-iba ko. Hindi ako ‘yung palit-make up lang. Lahat, palit-contact lens, kuko, palit. Ako ‘yung dumarating na pinakamaaga sa set. Kasi nga, one and a half hours akong mini-make-up-an. Tapos bibihisan ako na kung anu-anong nilalagay sa akin para maging sexy,” natatawang kwento ni Coco.

Matatandaang unang napasikat ng aktor ang karakter ni Paloma sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na talaga namang kinagiliwan ng mga manonood. Para kay Coco ay kakaibang atake ang kanyang ginawa para sa bagong pelikula. “Ibang-iba ‘yung Paloma rito. Talagang sinagad ko na siya. Actually, isa sa pinaka-highlight ng pelikula ‘yung nilalandi ko si Sam (Milby), na sumasayaw ako sa harapan niya, tapos, ‘yung magki-kiss kami. Sabi ko nga, gagawa ka na rin lang ng comedy, sagarin mo na, wala nang tipiran. Lahat ng maiisip mo, lahat ng mga hindi ini-expect ng mga tao, gawin mo na. Sana lang after nito, lahat ng nanonood ng Probinsyano bumalik pa rin ‘yung pagtingin nila kay Cardo. ‘yung respeto sana, nando’n pa rin,” giit ng aktor.

Nagsuot ng T-back si Coco kaya inaasahang makita ang puwet ng aktor sa pelikula. Si Coco rin ang personal na nag-present kay Jennylyn ng konsepto ng maselang eksena ni Paloma. “Napasubo ako rito. No’ng pinresent ko kay Jennylyn ‘yung concept sabi ko, ‘Jen, ganito ‘yung mang­yayari, ganyan-ganyan. Tapos may eksena tayo rito, magsu-swimming tayo, naka-swimsuit ka, tapos ako rin naka-swimsuit, naka-T-back.’ Para pumayag siya, in-excite ko siya. Eh no’ng gagawin na namin ang pelikula, kaya ko bang panindigan? Kasi nga kailangan kong magpakita ng puwet. Siyempre, mapapahiya naman ako sa kanya ‘pag hindi ko ginawa. Ginawa na namin sa pelikula,” pagbabahagi ng aktor. (Reports from JCC)

COCO MARTIN JACK EM POPOY: THE PULISCREDIBLES VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with