Alden and Kathryn
Mahilig pang mag-imbento ng kuwento Aktres parang bagong embalsamo na ang hitsura
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

Napakatindi ng salitang tinanggap ng isang kontrobersiyal na female personality mula sa isang taong binangga niya. Nanunuot ‘yun sa kanyang kunsensiya.

“Tama ka. You don’t lie because you fabricate the truth, ____(pangalan ng female personality)!”

Matagal na hindi nakasagot ang babaeng personalidad na mahilig mag-imbento ng kuwento sa mensahe sa kanya ng taong sinisiraan din niya pero handa palang makipaggiyera sa kanya.

Sa isang pagkakataon na ang akala ng female personality ay siya na ang pinakamakapangyarihan at pinaniniwalaan ng buong mundo dahil mapera siya ay du’n siya nagkakamali.

May mga tao pa ring may paninindigan na handang makipaglaban sa kanya, kontrahin ang kanyang mga press release, dahil kilalang-kilala siya ng mga taong binabangga niya.

Kuwento ng isang source, “Ewan kung saan nanggagaling ang sobrang insecurity niya. Dapat nga, e, nagpapasalamat na lang siya dahil gumanda ang buhay niya, di ba?

“Hindi na niya kailangang magtrabaho pa, dumarating na lang sa paanan niya ang mga biyaya, pero kung bakit napakatindi pa rin ng pagiging insecure niya!

“Ayaw niyang may nakakakabog sa kanya! ‘Yun ang reason kung bakit inis na inis siya sa isang sikat na female personality na tunay at totoong member ng isang buena familia!

“Kaya siya nagagalit sa artisang ‘yun, e, legitimate member kasi siya ng pamilyang tinitingala sa lipunan. E, siya naman kasi, e, sabit lang sa pamilya, isa lang naman kasi siyang escabeche, di ba naman?

“Wala ngang kaalam-alam ang mga friends niya na sa harap-harapan, e, goody-goody sa kanila ang female personality na ‘yun, pero saan ka, kapag talikuran na, e, sinisiraan sila ng babaeng ‘yun!

“Isa siyang napakagaling na fabricator ng mga kuwento, ilusyunada siya, kasi nga, e, nagagawa niyang parang totoong-totoo ang mga ikinukuwento niya, samantalang produkto lang naman ‘yun ng mga ilusyon niya!

“O, di nakatagpo siya ngayon ng mga taong makikipaggiyera sa kanya? Di hindi siya makasagot ngayon sa revelation ng taong ‘yun na kilalang-kilala siya mula ulo hanggang paa?

“Tantanan na kasi niya ang mga pag-iilusyon, tantanan na niya ang pagpapaaway sa mga taong nananahimik! Ayusin na lang niya ang buhay niya na kasinggulo ng utak niya!

“At tigilan na rin sana niya ang pagpapasalamat po, doktor, dahil para na siyang bagong embalsamo sa itsura niya ngayon!” inis na pagtatapos pa ng aming impormante.

Ubos!

Alden at Kathryn maraming kinabog HLG….

May nagpadala sa amin ng kopya ng resulta ng ginawang pagsasaliksik ng Google Top 10 Most Searched Movies. Grabe pala talaga ang itinatak sa takilya ng Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ang kanilang pelikula lang ang tanging lokal na pelikulang napasama sa Top 10, pumanga­lawa pa nga ang Hello, Love, Goodbye sa Avengers Endgame, pumangatlo naman sa listahan ang Captain Marvel.

Napakalaking tagumpay nu’n para kina Alden at Kathryn dahil pangbuong mundo na ang sangkot sa pagsasaliksik na ito at hindi sa Pilipinas lang.

Para pumangalawa ang pelikula sa Avengers Endgame ng Google ay ano pa ang hahanapin ng nagtambal sa Hello, Love, Goodbye?

Ang kaibigan naming propesor ang nagpadala sa amin ng listahan, kaya ang nasabi na lang nito, “Nag-sourgraping si Daniel Padilla, di ba? Na kesyo sa kanya raw unang inalok ang movie. Ginawa pa niyang sinungaling ang director at ang Star Cinema na nanindigang si Alden talaga ang nasa isip nila, wala nang iba pa, nu’ng plantsahin nila ang Hello, Love, Goodbye.

“Spell insercurity! Ano ngayon ang masasabi niya? Nag-number two ang movie sa worldwide search, sobrang laking pride nu’n para kina Alden at Kathryn!

“Talagang hindi maitatago na inilampaso nu’n ang movie nila ni Kathryn, ‘yung The How’s Of Us, sa tanggapin niya at sa hindi!

“Wala kaming masasabi kundi spell insecurity lang! Kahol siya nang kahol, e, deadma lang naman sa mga ikinukuda niya si Alden Richards na napaka-secure na sa career niya ngayon,” makabuluhang komento ni prop.

Sabi nga ni Melanie Marquez, “Hey, you’re barking on the wrong dog!”

ALDEN RICHARDS KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with