Coco
Christmas, nakakabata!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

Ang pagbabalik sa pagkabata ang isang essence ng Christmas Salve dahil enjoy na enjoy ang entertainment press sa paglalagare sa mga Christmas party, presscon at mga pa-raffle na type na type ng mga senior citizen na tulad ko.

Ang mga giveaway na hindi natin iisipin na bibigyan ng importansiya, pinag-aagawan ng lahat to think na puwedeng bilhin ‘yon pero iba talaga ang enjoyment na nakukuha kapag Christmas season.

Dumating na ako sa punto na gatecrasher na nga ako sa mga presscon na type ko. Ang Head and Shoulder shampoo na give ni Jun Lalin na pa-raffle sa mga kapwa reporter at talaga pinagtiyagaan niya na i-solicit, big deal ‘yon sa amin.

Salamat sa Teng brothers na sina Jeric at Jeron na isa sa sponsors ni Jun sa Christmas party niya. Happy Pasko, enjoy the season, prayers for all!

Coco madalian ang biyahe sa Germany

May flight pala si Coco Martin sa Germany nang mag-presscon noong nakaraang Huwebes sa Luxent Hotel ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon kaya umalis agad siya.

Christmas season man o hindi, overacting ang traffic situation sa Metro Manila kaya thirty minutes lang yata ang presscon ng 3Pol Trobol cast dahil kailangan ni Coco na magbabu or else, baka maiwan siya ng eroplano at hindi matuloy ang pagpunta niya sa Germany.

Hindi magtatagal si Coco sa Germany dahil kailangan niya na bumalik agad para sa Parade of Stars ng 45th Metro Manila Film Festival sa December 22 sa Taguig City.

Hindi puwedeng mawala si Coco sa Parade of Stars dahil siya ang lead actor ng pelikula. Marami ang madidismaya, lalo na ang fans ng Ang Pro­binsyano kapag hindi nila nakita nang personal si Cardo.

Aga excited sa Parada…

Kanselado naman ang annual Christmas trip sa US ng pamilya ni Aga Muhlach dahil pareho sila ni Coco Martin na hindi puwedeng mag-absent sa Parade of Stars.

Si Aga ang lead star ng Miracle in Cell No.7 at super excited sa parada ng mga artista dahil mahigit sa dalawang dekada na ang nakararaan mula nang magkaroon siya ng pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival.

AGA MULACK COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with