Miko
Female personality nag-imbento ng kuwento tungkol sa bigas
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

Ang bigas, bow! Hindi lang pala sa gobyerno nagkakaroon ng anomalya sa bigas, sa showbiz ay meron din, ‘yun ang naging dahilan ng argumento ng isang kilalang female personality at ng dati niyang kaibigang manager ng mga artista.

?Gumawa na naman kasi ng kababalaghang istorya ang female personality na sobra-sobra ang bakanteng oras kaya kung anu-ano na lang ang kanyang mga pinaggagagawa.

?Kuwento ng aming source, “Imagine, nakipag-communicate siya sa isang manager para lang itanong kung natatanggap ba ang bigas na ilang beses na niyang ipinadadala through their common friend?

?“Natural, wala naman talagang nakukuhang bigas ‘yung manager, kaya bakit magpapasalamat sa kanya ‘yung tao? Aba! Gumawa na siya ng script!

?“Bakit daw ganu’n, samantalang ilang beses na niyang pinadadalhan ng malagkit at masarap na bigas ‘yung kausap niya, pati ang iba pang mga managers?

?“Galing kuno ‘yun sa farm ng escabeche niyang milyonaryong businessman, ang sarap-sarap pa naman daw nu’ng ipinadadala niyang bigas sa mga friends niya!

?“Kung anu-ano pang kuwento ang sinabi niya, kesyo pati raw mga pagkain, ipinadadala rin niya through their common friend!” unang sultada ng aming impormante.

?Heto na. Ikinuwento naman ng manager ang mga sinabi ng female personality sa kapwa nito manager na pinagpadalhan kuno ng bigas. Giyera na ito!

?“Nalaman nu’ng manager ang kuwento, kaya agad-agad niyang tinext ang ilusyunadang babae na nagpadala kuno ng bigas sa kanilang mga kaibigan!

?“Galit na galit sa kanya ang manager, nakatikim siya ng mga salitang ayaw niyang malasahan, sino nga naman ang matutuwa sa ginawa niyang issue?

?“Sabi pa nga ng manager, ‘You’re really a schemer! You don’t lie, because you fabricate stories! Mas mabuti pang lumaklak ka na lang nang lumaklak ng alak tuwing umaga at baka sakaling makakita ka pa ng mga taong magmamahal sa iyo! Liar!’

?“Buking ang drama niya, walang bigas na ipinadadala sa kanilang mga friends ang hitad na ilusyunadang girl, gawa-gawa lang niya ang kuwento para mag-away ang mga managers na dekada nang magkakaibigan!

?“Nakakalokah talaga ang babaeng ‘yun! Puro ilus­yon ang laman ng utak niya, bagay na bagay sila ng sister niya na napakahusay ring mag-imbento ng mga kuwentong sila lang ang maniniwala!

?“Naku, magluto na lang siya ng escabeche, ‘yun naman ang favorite food niya, di ba? Tantanan niya na ang mga istorya ng kababalaghan!” pagtatapos ng naiinis naming source.

?Ubos!

Miko lasing at nahulog lang sa building, hindi nagpakamatay?!

Naihatid na sa kanyang huling hantungan ang mga labi ni Miko Palanca. Pinagbigyan ng marami ang hiling ng kanilang pamilya na maging pribado ang lahat sa kanilang pagdadalamhati.

?Mula sa kanilang mga kaibigan ay nakarating sa amin ang impormasyon na ang mismong nakahiwalay pang girlfriend ni Miko ang nag-aayos ng mga bulaklak sa kanyang lamay.

?May bagong kuwento. Hindi raw nagpakamatay si Miko. Dahil kung talagang gusto nang agarang mamatay ng aktor ay pinili sana niyang umakyat sa mas mataas na bahagi ng gusali.

?Pero bakit sa fourth floor lang siya tumalon, bakit hindi sa rooftop, kung talagang gusto na niyang wakasan ang kanyang buhay?

?Kuwento ng aming source, “Lasing na lasing kasi si Miko that time, as in, talagang napakarami niyang nainom. May nagsasabi na nadulas lang daw siya.

?“Na-off balance lang daw si Miko, nadulas, na naging dahilan ng pagkahulog niya sa building,” kuwento pa ng aming source.

?Sabi nga, ang lahat ng mga nagaganap sa ating buhay ay puro dahilan na lang, pero ang totoo ay takdang oras na ng ating pamamaalam sa mundo.

?Sadya mang tumalon si Miko Palanca dahil sa matinding depresyon o nadulas lang siya ay ipabaon na lang natin ang katotohanan sa kanyang paglalakbay sa kabilang buhay.

?Ipagpatuloy na lang natin ang pagdarasal para sa ikatatahimik ng kanyang kaluluwa.

FEMALE PERSONALITY MIKO PALANCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with