Rhian
‘The thought counts more than the tag price’
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

Talagang totoo ang kasabihan Salve na the thought counts more than the price tag, ang small things that touches the heart.

Sure ako na hindi alam ni Maine Mendoza na nagbibigay ng ham ang mommy niya tuwing Pasko at nabibigla pa siya kapag may nag-thank you sa kanya.

Noong active pa sa paggawa ng tuyo ang nanay ni Rhian Ramos, isa ito sa mga gustung-gusto ko na regalo na natatanggap tuwing Pasko.

Talagang kapag natanggap ko ang bottled tuyo, eat agad ako ng kanin at ang spicy tuyo na gawa ng mother ni Rhian ang ulam ko.

Masarap sa pakiramdam ang thought na nag-effort sila to give you something.

Ang effort ni Rams David sa gitna ng hustle and bustle ng schedule niya, kahit konting sandali, lunch at konting palaro, nakakatuwa na nabibigyan niya ng kon­ting ligaya ang showbiz writers na malalapit sa kanya mula pa noon. Mga maliliit na bagay lang pero ang masarap sa puso. Happy Christmas talaga.

Maine kay Vic lang puwedeng makipag-partner sa pelikula 

Maine

Dahil sagaran ang trabaho sa Eat Bulaga, inilipat sa venue na malapit sa APT Studios ang presscon noong Biyernes ng Mission Unstapabol: The Don Identity, ang official entry ni Vic Sotto sa 45th Metro Manila Film Festival.

Halos kasamahan niya sa Eat Bulaga ang co-stars ni Bossing sa Mission Unstapabol, sina Maine Mendoza, Jose Manalo at Wally Bayola kaya tama lang na malapit sa APT Studios sa Cainta ang presscon ng kanilang pelikula.

Ang saya-saya nina Bossing at Maine kapag magkasama silang dalawa sa isang project dahil talagang parang father and daughter na ang turingan nila kaya comfortable na sila sa batuhan ng mga linya at sa kanilang mga kilos.

Four years nang magkasama sa Eat Bulaga sina Bossing at Maine. Nagsama na rin sila sa mga television sitcom at sa ibang mga pelikula na naging kalahok din sa mga nakaraan na film festival.

Sa kanilang madalas na pagsasama sa iba’t-ibang mga project, nabuo ang malakas na che­mistry nina Bossing at Maine.

May biruan nga na forever ang kontrata nila sa isa’t isa kaya si Bossing lang ang puwedeng maging co-star ni Maine sa lahat ng mga filmfest movie nito.

Sure ako na mag-e-enjoy nang husto ang mga manonood ng Mission Unstapabol dahil tiniyak ni Bossing Vic Sotto na magugustuhan ng mga bata at matatanda ang bagong pelikula nila ni Maine para sa Metro Manila Film Festival 2019.

Samantala, nakakatuwa ang mga pangalan ng mga karakter sa filmfest movie nina Bossing at Maine.

Don Robert ang pangalan ni Bossing at Donna Cruz si Maine.

Don Johnson ang name ni Jake Cuenca at Dawn Zulueta si Pokwang na parehong mga artista ng ABS-CBN pero kasama sa pelikula na pinagbibidahan ng mga Kapuso star.

Para kina Jake at Pokwang, isang malaking karangalan na makatrabaho nila sina Bossing at Maine sa pelikula.

MAINE MENDOZA RHIAN RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with