Mayor Vico and Vic
Bossing Vic ayaw munang mag-girlfriend si Mayor Vico
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

‘Father knows best’ ika nga, kaya mismong si Vic Sotto ang naniniwalang hindi pa talaga magkaka-girlfriend ang anak niyang si Pasig City Mayor Vico Sotto.

“Sa totoo lang, I think it’s better, he’s single.

“May focus siya talaga eh. Baka maiba lang kapag meron eh,” pakli ni Bossing Vic nang sandali naming nakatsikahan sa mediacon ng Metro Manila Film Festival 2019 entry niyang Mission Unstapabol: The Don Identity.

Natanong kasi siya tungkol sa pagka-link ng anak niya kay Gretchen Ho nang nakita silang magkasamang nanood ng SEA Games.

Sinagot na rin naman iyun ni Mayor Vico, pero kahit si Bossing Vic ay naniniwalang walang namamagitan sa dalawa.

Hindi pa raw nila ito napapag-usapan dahil hindi na raw madalas ang pagkikita nilang mag-ama.

Kaya tingin daw niya hindi pa talaga ito magkaka-girlfriend dahil sa dami ng ginagawa niya sa Pasig.

“I don’t think he has time. Eh sa akin nga wala siyang panahon eh,” bulalas ng Eat Bulaga host.

Naintindihan naman daw nila na hindi na nila ito nakakasama nang madalas dahil sa laki ng responsibilidad niya sa Pasig.

“Every week nagdi-dinner kami, pero ngayon every other week na lang.

“Ang busy busy niya rin kasi.

“Naintindihan ko naman ang trabaho niya eh. Pinasok niya yan. What’s important, he’s enjoying it. Gusto niya yan eh,” dagdag niyang pahayag.

Proud naman daw siya sa ginagawa ng anak niya dahil nakikita niya ang gusto niyang pagbabago sa Pasig.

“Ang public service niya kasi is public service na malinis. He’s trying something different, something new politics.

“Mahirap banggain yung nakagisnan nating kultura. Pero he’s trying his best,” saad pa ni Bossing Vic.

Wala pa munang plano ngayon sina Vic at Pauleen kung ano ang gagawin nila sa Christmas, pero definitely makakasama raw niya ang mga anak niya.

Magiging abala lang siya talaga sa promo ng Mission Unstapabol, dahil itong MMFF naman daw ang nagpapa-kumpleto ng Pasko niya.

“Hindi talaga ako sanay kapag wala akong pang-MMFF sa Pasko eh,” sabi pa niya.

Hindi na rin daw siya nababahala kung mag-number one o kung pang-ilan ang pelikula niya sa box-office.

Hayaan na raw kung alin ang mag-number one o kung pang-ilan ang pelikula nila ni Maine Mendoza.

“Graduate na ako riyan eh. Ang mahalaga napapasaya ng pelikula namin ang buong pamilya,” nakangiting pahayag ni Bossing Vic.

Isang finalist sa The Clash lapitin ng bading

Mamaya na ang finals ng The Clash, at ito talaga ang singing competition na talent ang labanan dahil hindi ito popularity o padamihan ng text votes.

Kaya pawang magagaling talaga sila at mahirap hulaan kung sino ang posibleng magwagi.

Anim ang maglalaban sa championship, at nakakagulat sa kanila, karamihan ay natatakot sa taga-Imus, Cavite na si Jeremiah Tiangco.

Sabi ng taga-Mindoro na si Aljon Gutierrez, iba raw kasi talaga ang timbre ng boses ng 22-year old na Caviteño na parang foreigner daw ang dating.

Alam din nila na mas lamang talaga ang looks dahil bukod sa talent, malaki ang tsansang sumikat ng isang singer kung maganda o guwapo ito.

Sa anim na finalists, si Jeremiah ang lamang dahil ang lakas ng dating nito lalo na sa mga kababaiha’t kabadingan.

Kaya thankful din siya sa suporta sa kanya, lalo na raw ang mga bading na todo ang suporta sa kanya sa bawat episode na tini-tape nila.

“Sobrang love ko po sila, kasi sila po yung nagi-effort sa akin dito sa show,” pakli niya.

Kaya tinanong na rin namin kung naranasan na ba niyang ligawan ng mayamang bading, o naging dyowa na ba siya ng bading.

“Ay hindi po ako naging dyowa ng bading,” bulalas niya.

Pero hindi naman daw siya homophobic, at okay lang daw kung ligawan siya, pero mas gusto niyang maging kaibigan lang ang mga ito.

“Ako po kasi Sir, sweet po talaga ako na tao talaga.

“So, wala pong problema sa akin. Open po ako sa ganun.

“Same po yung treatment ko kung ano ang gusto kong ipakita sa mga kaibigan ko. Mahal ko po sila,” saad ni Jeremiah.

So far, ang pinaka-bonggang offer daw sa kanya ng isang mayamang bading ay mag-biyahe pa-Thailand at ipag-shopping siya roon.

“Sabi ko po…open naman po ako sa kanila eh. Wala pong malisya sa akin. Siyempre, nag-iisip din po naman ako kung ano ang puwedeng mangyari kung ano ang mga possibilities.

“Siyempre, okay lang po sa akin na mag-travel, basta may kasama kami,” kuwento niya sa amin nang inalok daw siya nitong bading na ito.

Pero tinanggihan daw niya dahil nagwu-worry daw siya baka kung ano pa ang hilingin sa kanya.

“Hindi naman po ako sa natakot…pero mas naunahan po ako na nagwu-worry na baka kung ano ang mangyari.

“Hindi naman po natin alam eh. Pero sa ngayon..siguro hindi po. Mas ano po talaga ako sa opposite sex,” deretso niyang pahayag na hindi pa raw siya handang makipag-dyowa sa bading.

Hindi naman daw siya ilag sa mga bading. Kahit nga sa mall shows ay madalas pa raw siyang nahihipuan ng mga bading, pero hindi naman daw siya nagagalit. Hinahayaan na lang daw niya.

“Daming times po, pero okay lang po. Hanggang hipo lang naman. Hindi naman po isyu sa akin yun sir!” nakangiti niyang sagot sa amin.

Bukod kay Jeremiah at Aljon, lalaban din sa championship sa The Clash ay sina Antonette Tismo, Jennifer Maravilla, Nef Medina at Thea Astley.

MAYOR VICO VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with