Interview ni Robi kay Alden nag-viral!
Alden and Robi
Interview ni Robi kay Alden nag-viral!
Ruel Mendoza (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

Nag-viral ang ginawang interview ng Kapamilya TV host Robi Domingo sa Kapuso star at Asia’s Multi-Media Star Alden Richards.

Pinost ni Robi sa kanyang vlog ang masayang interview niya kay Alden.

Naglaro pa sila ng game kunsaan napanalunan ni Alden ay 100 pesos dahil sinagot niya ng tama ang tatlong tanong ni Robi.

Nasabi nga ni Robi na dream come true ang ma-interview niya si Alden para sa kanyang vlog.

Hindi naman daw siya nabigo dahil mabait at very accommodating ang bida ng GMA teleserye na The Gift.

“Natupad na rin ‘yung pangarap ko kasi before gusto lang kita makapanayam ngayon kasama na kita,” proud na sinabi ni Robi kay Alden.

Nakatanggap ng maraming positive comments ang vlog entry na ito ni Robi. Natuwa ang netizens dahil napagsasama na ang dalawang celebrities mula sa magkaibang network sa pamamagitan ng mga vlogs.

Aicelle hindi pa rin sanay na katabi si Mark sa kama

May kakaibang glow na ang newly-wed na si Aicelle Santos.

Tatlong linggo na siyang Mrs. Mark Zambrano at nasanay na raw siyang may lalaking katabi sa kama tuwing gigising siya sa umaga.

“There’s something to look forward to every day. Parang ang sarap gumi­sing araw-araw.

“Before noong single ako, tinatamad akong gumising sa umaga. Yung antok na antok ka pa at ayaw mong tumayo. Pero ngayon, iba ang pakiramdam na may katabi kang magigising sa umaga.

“At first, nagugulat pa ako. Nakakalimutan ko na may asawa na pala ako. Ngayon, may ‘Good morning, Mahal’ ka nang nasasabihan. Ang sarap lang ng pakiramdam,” ngiti pa ni Mrs. Zambrano.

Dahil sa achievements ni Aicelle bilang singer at performer kaya isa siya sa binigyan ng star sa Kapuso Walk of Fame na in-unveil noong December 12.

Kabilang sa achievements ni Aicelle ay ang pagganap niya bilang Gigi sa Miss Saigon UK Tour noong nakaraang taon.

samantala, kinumpirma ni Aicelle na kasama siya sa bagong Sunday variety show ng GMA-7 na AyOS.

14-year old actor ng isang British TV series natagpuang patay!

Natagpuang wala nang buhay ang 14-year old actor ng British TV series na Outlander na si Jack Burns.

Ayon sa report, nakitang patay si Burns sa kanyang bahay sa Greenock, Inverclyde, sa Scotland noong nakaraang December 1.

Wala pang mailabas ang authorities sa cause of death ng aktor. Pero they are not treating his death as suspicious.

Isang ballet dancer din si Burns kaya ang kanyang ballet school na Elite Academy of Dance ay nag-post ng mensahe sa Facebook:

Bukod sa Outlander, lumabas din si Jack sa BBC series na Plain Sight at sa Netflix series na One of Us.

ALDEN RICHARDS ROBO DOMINGOP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with