Juday
Judy Ann hindi pa nakaka-move on sa napanalunang best actress sa Cairo
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2019 - 12:00am

May hang-over pa si Judy Ann Santos sa kanyang best actress trophy mula sa Cairo International Film Festival para sa obra ni Direk Brillante Mendoza na Mindanao, nang maka-chika namin the other day over merienda cena.

Unexpected para sa actress ang kanyang panalo sa pelikulang Mindanao na official entry din sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 dahil wala sa kamalayan niya na nominated siyang best actress. “Ang sinabi lang ni Direk Brillante (Mendoza) ipapalabas sa Cairo. Competing film kami. Kasi sa Busan Filmfest, world premiere kami. 

“Nang sabihin niyang sa Cairo, hindi naman ako makakasama kasi totoo namang siksik, liglig ang schedule ko,” pag-aalalala niya bago nga niya nalamang nanalo siya.

Eh paano nalaman? “Nagkikiskis ako ng sahig sa Angrydobo (restaurant nila), ang daming nagko-congratulate.

“Hindi ko talaga alam kung bakit, basta ang daming nag-congratulate. Kasi wala talaga akong awareness. Hindi ko nga alam na nominated ako.”

Sinong nagsabi na nanalo siya?

“Si Direk Brillante na nagsabi.

“Pero siguro nga everything happens for a reason. Siguro nga kung andun ako at natawag ang pangalan ko baka hindi ako makaabot sa stage nahimatay na ako o kaya nahimatay ako sa stage.

“That proud moment pag artista ka, pangarap mo ‘yun eh. Makaakyat ka sa stage ng ibang bansa na dala mo ang bandila ng Pilipinas. That’s something na gusto mong ipakita sa mga anak mo,” kuwento niya pa na kitang-kita ang excitement. 

 “Sabi ko nga nung una hindi naman ako nag-participate sa SEA Games, hindi naman ako buntis, ang daming nagko-congratulate sa akin. Hindi naman ako nanalo sa lotto. Hindi pa rin naman open ang Angrydobo (Alabang). Hindi agad ako makasagot kasi hindi ko alam kung paano ko siya nada-digest.

“Parang part of me, hindi ko maintindihan ang nangyayari, another of me is jumping for joy, another part of me ay tanggapin mo na bakla ano ka ba, yung isa hindi ako makapaniwala na puwede ko palang ma-experience ito na puwede na someday puwede akong manalo sa international filmfest. Puwede palang matupad ang pangarap. Sa totoo lang hindi ko ito pinagdasal ito,” tuloy-tuloy na kuwento pa ng actress na ibang klase naman talaga ang husay sa nasabing pelikula.

Pakiramdam niya, apat na Christmas gift na ang katapat ng nasabing trophy.  “Good na nga ako hanggang apat na Pasko. Pag kumita ang pelikula (ngayong MMFF), sobrang Christmas gift na ‘yun. Pero siyempre gusto ko siyang kumita para makagawa pa si Direk Brillante Mendoza ng ibang pelikula.”

Ngayon ay oras na lang sa pamilya ang wini-wish niya. “Naghahanap na nga ako ng  araw bukod sa Sunday bago mag-Monday. Makasama ko lang ang mga anak ko. Naghahanap na ako ng ganoong bargain.

“Wala na akong gustong hingin / hilingin pa. Oras na lang sa pamilya ko. I’m so blessed and grateful I have people around who guide and support me.

“I have so much support group, at parang kalabisan kung hihingi pa ako ng iba pa.  Gusto kong isipin na may maganda yata akong ginawa sa buhay ko para matanggap ko ito ng isang bagsak. Ang dami kong ginawang bago sa  2019. I was invited in Sharjah International Book Fair  (UAE) as a chef, I went to Busan for a world premiere at lahat ito bago sa akin at 41. Na para akong 25. Na para akong bata nae-enjoy ko siya na pag-uwi nakukuwento ko pa sa pamilya.

“And I never saw it coming. Hindi inexpect na iimbitahan ako as a chef, magde-demo ako. Yung mga ganun, punung-puno na ako.”

Next year, gagawin na niya ang biopic ni Mother Lily Monteverde na kailangan daw niya talagang aralin ‘yun. “Si Mother Lily ‘yun, haligi ng industriya natin. Hindi ko puwedeng barubalin.

“Utang na loob ko ang meron ako ngayon kaya ‘yung i-handpicked niya ako hindi ko rin maintindihan. I can’t say no.

“It’s my first time to do a biopic. Marami ring judgemental at maraming nakakakilala kay Mother Lily. At ‘yun ang challenge,” kuwento niya pa.

Sakto ang magiging schedule niya dahil up to January na lang ang airing ng kanilang Starla at tapos na silang mag-taping.

“Kasi nung prinesent naman ‘yun good for 13 weeks lang.”

Kaya for 2020 mga pelikula muna ang kanyang gagawin. Three movies ang pinir­mahan niya kay Direk Erik Matti na hahawak sa biopic ni Mother Lily.

Pero ngayon ay abala siya sa promotions ng Mindanao.

Umaasa ba siyang mananalo rin siyang Best Actress sa MMFF?  “I’m not expecting anything. Lahat naman kami best actress na. Sapat na sa akin na makilala tayo sa ibang bansa.”

Dahil sa nasabing award, mas ginagahan si Juday na magtrabaho pero ginanahan din daw siyang mamili ng mga gagawin.

Ayaw na rin niya ng kahit anong negativity at mas iniisip niya ang mga gusto niyang gawin tulad ng mag-aral pa ng pagluluto.

Ryan walang takot sa pagmo-motor

Ryan
Ryan

Natanong din tungkol sa paglalantad niya ng legs sa IG ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo. “Nagpaalam naman siya. Minsan lang naman ako magpa-legs, magpa-pasko naman,” sabay tawa niya na bagong gising daw siya nang kunan ng mister na tuloy ang pagmo-motor kahit nakaranas na ito ng maaksidente.

Actually, umiinit daw ang ulo nito tuwing magko-kotse kaya hinahayaan na lang niya itong mag-motor.

At kung naghahanap siya ng oras aside from Sunday para sa mga anak, pagdating naman kay Ryan may time siya na alam na ang ibig sabihin.

JUDY ANN SANTOS RYAN AGONCILLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with