Joey and Sylvia
Sylvia, nag-sorry matapos sampal-sampalin si Joey
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2019 - 12:00am

Tiyak na matutuwa ang mga masugid na manonood ng teleser­yeng Pamilya Ko dahil malapit nang simulan ang book 2 ng programa ayon sa isa sa mga bida nitong si Sylvia Sanchez. “Magbu-book two na kami. Wala pa namang sinasabi na ayaw na kami sa ere o na aalis kami. Ang sinabi lang sa akin ‘yung book two. Sinu-shoot na namin ngayon ang week 11 and week 12. Closing na ‘yon, ending na ‘yun ng one. So bu-book two na kami by January,” pagbabahagi ni Sylvia.

Malaki ang pasasalamat ng magaling na aktres sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanilang programa. “Thank God kasi mataas ‘yung Pamilya Ko, At pinapanood talaga ng mga viewers. Gusto nila ‘yung kabuuan ng show at lahat ng cast,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay talagang nasaktan daw ni Sylvia si Joey Marquez dahil sa isang mabigat na eksenang ginawa nila. Agad na humingi ng paumanhin ang aktres kay Joey dahil nakailang sampal si Sylvia sa aktor. “Actually kinontrol ko ‘yung isa. Kasi ayaw ko talagang makasakit ng iba. Pero ‘yung director namin, si Direk Raymond, sa lahat ng nangyari na pandadaya niya sa ‘yo, ‘yung ginawa niya sa ‘yo, kailangan mo siyang saktan, kailangan mong ibigay sa kanya ‘yung sampal talaga. Maski no’ng sinampal ko si ­Joey, nagpaalam naman ako sa kanya. Kontrolado pa rin naman pero hindi talaga maiiwasan ‘pag sinampal ka talaga. ‘Pagtinapik ka nga lang masasaktan ka, what more ‘yung dalawang beses mo siyang sinampal. Okay naman kami ni Joey, professional naman siya, nag-uusap naman kami. Nag-sorry naman ako,” kwento ng aktres.

Vice, aminadong ngayon lang ‘di pinagsamantalahan ng dyowa

Vice
Vice

Ngayon lamang umano naranasan ni Vice Ganda na mahalin rin siya ng lalaking kanyang minamahal. Maraming pagkakataon na hindi naramdaman ng Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar na minahal din siya ng kanyang mga naibigan noon. “In the past may minamahal din naman ako pero hindi naman ako minahal. May mga taong pinili ko pero hindi naman ako pinili,” makahulugang bungad ni Vice.

Mahigit isang taon nang magkasintahan sina Ion Perez at Vice ngayon. Masayang-masaya ang komedyante dahil talagang ngayon lamang niya naranasan ang tunay na pagmamahal mula sa binata.

“Ngayon masaya dahil ‘yung pinili ko, pinili rin ako. Ang hindi ko makakalimutan kay Ion ‘yung sinabi niya na no’ng nagtanong siya kung bakit hindi pwedeng sabihin, ‘yung tungkol sa aming dalawa. Hindi niya matanggap na bakit hindi natin pwedeng sabihin? No’ng sinabi niya sa kin ‘yung naramdaman ko ‘yung naramdaman niyang sakit at na-realize ko kung hindi ako mahal ng taong ito, hindi siya masasaktan, na tinatago namin ang isa’t isa.

“Doon ko na-realize na, ‘Ay! Mahal ako ng taong ito. Kasi kaya niya akong panindigan.’ Siya lang ‘yung may boses at dila na kayang ipagsigawan ang pangalan ko at sabihing may damdamin siya para sa akin. Siya lang din ‘yung may kamay na kayang humawak sa akin kahit maraming nakatingin. Siya lang din ‘yung kayang yumakap sa akin at hindi kami nagtatago sa dilim,” paglalahad ni Vice.(Reports from JCC)

JOEY MARQUEZ SYLVIA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with