Coco and Jennylyn
Jennylyn markado ang akting sa Trobol ni Coco
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2019 - 12:00am

Umiral  na naman ang kagagahan ko noong Huwebes dahil may presscon para sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, ang pelikula nina Coco Martin, Jennylyn Mercado at AiAi delas Alas na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival na ngayon pa lang, hinuhulaan nang magi­ging  number one sa takilya.

Hindi ako invited ni Eric John Salut at dahil love ko si Coco, nag-text ako sa kanyang manager na si Biboy Arboleda.

Tinanong ko si Biboy kung puwede akong mag-gatecrash sa presscon ni Coco. Gatecrasher talaga ako at paglabas ko ng elevator, heto na si Eric John na inaabot ang aking red envelope at ang mga giveaway ng mga product na ini-endorse ni Coco.

Ako na talaga ang pinaka-number one gatecrasher sa showbiz dahil basta gusto ko ang artista na may presscon, go ako kahit hindi ako invited ng PR kaya biglang nababago ang budget nila sa biglaang pagda­ting ko.

Kaloka, sakit ako sa ulo ng mga PR na gaya ni Eric John dahil wala ako sa master list kaya nag-abono siya. Sorry EJ, love ko sina Coco at Mader Biboy, hayaan mo na nang mabawasan budget mo, low maintenance naman ako kahit giveaway lang okey na ako. Happy Christmas!

Watch ninyo ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon na sure ako na type ng mga bagets dahil kuhang-kuha ni Coco ang kiliti ng movie watchers.

Saludo nga raw pala si Jennylyn Mercado sa dedication ni Coco bilang producer, artista at direktor ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Si Coco ang pumili kay Jennylyn para maging love interest niya sa kanyang filmfest movie at para kay Jennylyn, malaking karangalan na makatrabaho ang Primetime King ng ABS-CBN.

Tiniyak ni Coco na maganda at markado ang role ni Jennylyn sa kanilang pelikula na magbubukas sa mga sinehan sa December 25 at inaabangan na ng mga bata at matatanda.

Hipon mag-aartista na

Pinapayagan na pala ni Willie Revillame na mag-artista si Herlene Budol aka Hipon Girl, isa sa mga co-host niya sa Wowowin.

Napansin at nakilala si Herlene nang ma­ging contestant siya noon sa isang contest ng Wowo­win. May mata si Willie sa mga talent na malaki ang tsansa na sumikat kaya ginawa niya na co-host si Herlene at mula noon, nagbago na ang buhay ni Hipon Girl.

All-out ang blessings sa buhay ngayon ni Herlene  dahil bukod sa umuusbong na love life, tuluy-tuloy rin ang kanyang guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7.

45TH METRO MANILA FILM FESTIVAL BIBOY ARBOLEDA ERIC JOHN SALUT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with