Bianca
Bianca umaming in love! kay Ruru
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2019 - 12:00am

Diretsahang inamin ni Bianca Umali after ng unveiling ng GMA Walk of Fame na in love siya.

Yes, walang arte si Bianca kahapon nang maka-chika namin. Siya pa nga ang nagbanggit sa pangalan ni Ruru Madrid na matagal nang nakadikit sa pangalan niya.

Pero hindi na naungkat ang controversial issue sa parking lot.

So ano ba talaga sila?

Binalik niya ang tanong “Ano nga ba kami,”

So supportive naman siya?

“Yes very supportive naman siya. He is just very supportive. Yun ang maipagmamalaki ko sa kanya. Sa aming dalawa, suportahan lang naman yan,” kuwento niya.

Happy ka ba?

“Yes happy, very happy.”

In love ka?

“Yes,” ang mabilis niyang sagot.

No vacation naman si Bianca for Christmas dahil sa trabaho. Tuluy-tuloy ang training nila for Halfworlds kung saan nga bibida si Bianca sa nasabing HBO series na sa 3rd quarter of 2020 pa mapapanood.

Yup, hindi pala agad-agad eere ‘yun.

Sa bansa kukunan ang maraming eksena ng Halfworlds Season 3 dahil kuwento ito ng folklore sa bansa at hindi niya pa puwedeng i-reveal kung ano ang role niya. Basta ang sabi niya, ‘she’s the chosen one’ sa nasabing palabas.

Aside from Halfworlds, may project din siya sa GMA 7, for primetime, na hindi niya pa puwedeng i-reveal kung ano ‘yun.

Anyway, isa nga si Bianca sa mga Kapuso stars na nasa Walk of Fame located at the walkway of GMA Network Studios na nagkaroon nga formally ng unveiling last Thursday morning.

BIANCA UMALI GMA WALK OF FAME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with