^

PSN Showbiz

Maraming pelikula libreng mapapanood sa iWant

Pilipino Star Ngayon
Maraming pelikula libreng mapapanood sa iWant
Dingdong and Anne

MANILA, Philippines — Isang malaking pasasalamat at bonggang anniversary treat ang handog ng iWant sa unang anibersaryo ng relaunch nito dahil libreng mapapanood ang Pinoy movies sa streaming service ngayong Kapaskuhan.

Maaari na ring planuhin ng magbabarkada at pamilya ang kanilang movie marathon mula Disyembre 16 hanggang 22, kasama ang mga pelikulang Never Not Love You, Sid & Aya: Not a Love Story, Last Night, Baka Bukas, The Unmarried Wife, Kasal, Dear Other Self, Love You to the Stars and Back, Revolution: The JaDine Concert, at Loving in Tandem.

Bukod sa mga ito, patuloy rin ang paglalabas ng iWant ng mga original movie at series na patok sa mga Pinoy, gaya ng Manilennials, isang serye tungkol sa masaya at masalimuot na mga buhay ng limang millennials sa Maynila. Magkakatambal din sina Joseph Marco at Yam Concepcion sa unang pagkakataon sa original series na Un­coupling.

Masusubaybayan na rin ng mga Pinoy ang laban ng kanilang mga kababayan sa iWant, gaya na lamang ng pagpapakitang gilas ni Bb. Pilipinas Gazini Ganados sa Miss Universe 2019 competition at ng national teams ng bansa sa SEA Games.

Manood na ng free premium movies sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph hanggang Enero 5, 2020.

vuukle comment

ANNE CURTIS

DINGSONG DANTES

JADINE CONCERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with