^

PSN Showbiz

Aiai nagmadali para kay Gerald

Pilipino Star Ngayon
Aiai nagmadali para kay Gerald
AIAI

SEEN: Masipag at mabait pero mahigpit na direktor si Coco Martin ang kuwento ng kanyang mga co-star sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, ang official entry niya sa 45th Metro Manila Film Festival. Bawal gumamit ng cellphone ang cast ng pelikula sa tuwing may shooting sila. Puring-puri nina AiAi Delas Alas at Jennylyn Mercado ang kasipagan ni Coco dahil bukod sa pagiging bida, ang aktor din ang producer at direktor ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

SCENE: Umalis agad si AiAi Delas Alas sa presscon kahapon ng 3Pol Trobol dahil may date sila ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan. Kahapon ang second wedding anniversary nila kaya nag-dinner at nanood sila ng sine.

SEEN: Tiniyak ni Coco na ibang-iba ang kuwento ng 3Pol Trobol sa Ang Probinsyano, ang primetime television series niya sa ABS-CBN.

SCENE: Sina Yasmien Kurdi at Roi Vinzon ang dalawa sa Kapuso stars na binigyan kahapon ng mga bituin sa sariling Walk of Fame ng GMA 7 sa sidewalk ng GMA Network Drive annex studios.

SEEN: Sina Senator Manny Pacquiao at Cesar Montano ang mga bida sa American movie na Freedom Fighters. Magsisimula sa second quarter ng 2020 ang shooting ng unang movie team up nina Manny at Cesar.

SCENE: Ang pahayag ni Cesar Montano na pinatawad na nito ang lahat ng mga tao na nakasakit sa kanyang damdamin. Sinabi ni Cesar na mahirap magpatawad pero nagawa niya dahil sa tulong ng Panginoong Diyos. Para kay Cesar, Christmas is family kaya ipagdiriwang niya ang darating na Pasko sa piling ng kanyang pamilya.

vuukle comment

GERALD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with