^
AiAi naimpluwensiyahan na si Gerald sa âorganicâ
GERALD AND AIAI

AiAi naimpluwensiyahan na si Gerald sa ‘organic’

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2019 - 12:00am

Badminton ang naging dahilan ng kanilang pagmamahalan. Basta meron siyang bakanteng panahon ay naglalaro ng badminton ang Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas.

‘Yun ang regular niyang exercise. Pinapagpag niya ang kanyang katawan sa pagtakbu-takbo sa pamamagitan ng badminton.

Naagaw ng husay sa paglalaro ni Gerald Sibayan ang atensiyon ni AiAi. Ang player na ‘yun, malusog ang katawan, pero ang galing-galing pumalo!

Athlete scholar nu’n sa De La Salle University ang binata, madalas silang nagtatagpo sa badminton court, hanggang sa maging magkarelasyon na sila.

Sangkatutak na pakikialam ng mundo ang inabot nu’n ng magaling na komedyana dahil napakabata ng kanyang boyfriend. At dahil sikat at ma­yaman nga si AiAi ay isa lang ang naging bunga ng malisosyong isip ng mga mapanghusga—pe­perahan lang siya ni Gerald.

Pero pinatunayan ng binata na wala itong pakialam sa kung anumang meron si AiAi, sabay nilang ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan, hanggang sa magpakasal na sila.

Nasa ikalawang taong anibersaryo na sila nga­yon bilang mag-asawa. Abala si Gerald sa kanyang pangarap, isang araw ay makapagpapalipad na ito ng commercial plane dahil sa tinapos nitong kurso, habang si AiAi naman ay tutok pa rin sa kanyang pag-aartista.

Tanggap na nila na magiging maramot ang kapalaran para sa pagkakaroon nila ng anak, pero hindi ‘yun hadlang para mas umusbong pa ang maayos at maligaya nilang pagsasama, tanggap na tanggap si Gerald ng tatlong anak ng Comedy Concert Queen.

Malaki na ang ibinagsak ng timbang ni Gerald Sibayan, sabay kasi silang tutok na tutok ng kanyang misis sa organic food, mahirap pero nararamdaman nila ang maayos na benepisyo ng ganu’n sa kanilang kalusugan.

At aminado si Aii, “Sa mga panahong ito, e, mahirap nang makakita ng tulad ni Ge na sincere, mapagmahal at marespeto.”

Aktres na dating nakahiga sa salapi, said-said na ang bulsa ngayon!

Pinagsisisihan siguro ngayon ng isang kilalang female persona­lity kung bakit hindi niya ginamit ang kanyang utak nu’ng mga panahong umaagos ang biyaya sa kanyang buhay.

Nag-aartista siya, nagtagumpay naman ang female personality sa kanyang linya, pero bukod du’n ay meron pa siyang sideline kung saan siya nakakahawak nang limpak-limpak na salapi.

Kuwento ng isang source, “Maraming nakakaalam ng tungkol sa pag-aarubayto (sideline) niya. Maparaan siya. Nakagagawa siya ng mga dahilan, nakapupunta siya sa ibang bansa nang halos walang nakakaalam.

“Nakakaalis siya at nakababalik nang walang ingay, sila lang ng booker niya ang nakakaalam tungkol sa ginawa niya sa ibang bansa.

“Aalis siyang kumakalog-kalog ang bag niya, pero pagbalik niya ng bansa, aysus, halos hindi na magkasya sa bag niya ang kinita niya!

“At talaga namang buhay-maya­man siya nu’n! Lahat ng uso, e, meron siya. Mamaha­ling branded stuff? Lahat ‘yun, meron din siya!

“Kahit ano, kaya niyang i-spoil ang sarili niya nu’n dahil patung-patong ang mga bookings niya!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Isang kilalang may edad nang babae ang nagpakilala sa female personality nu’n sa isang male perso­nality. Yayamanin na ang lalaki, literal nang nahihiga sa salapi, sa ibang bansa rin sila madalas magkita.

Patuloy ng aming source, “Silang dalawa nu’ng may edad nang babae ang magtse-check-in sa hotel. Tig-iisa sila ng room, hindi sila magkasama, kasi nga, ilang oras lang pagkatapos, e, darating na ang male personality.

“Habang nagsi-shopping ang booker niya, e, sinasarili naman nila ng male personality ang mundo sa paglipad sa alapaap ng kaligayahan.

“Babalik sila nu’ng may edad nang babae sa bansa na parang walang nangyari. Parang nag-shopping lang sila, paldo-paldo ang datung nu’ng girl.

“’Yun ang time na literally, e, nakahiga siya sa salapi. Nakapagpundar pa nga siya ng bahay dahil sa napakaganda niyang sideline. Pero nasaan na nga ba ang naipon niyang kadatungan nu’n?

“Bakit maraming naniningil sa kanya? Kasi nga, e, hindi siya maga­ling magplano, pasok lang siya nang pasok sa pagbi-business kahit wala naman siyang alam sa linyang pinapasok niya!

“At matiwala rin siyang masyado sa mga taong hindi pa naman niya lubos na kilala! Ayan tuloy, ganyan ang kinahinatnan niya, saang mina ng ginto pa siya maghuhukay para bumalik ang napakasuwerteng buhay na nagkaroon siya?” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

AIAI GERALD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with