Momoland lilibot sa kapamilya shows, Liza at Nancy nagkita na!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2019 - 12:00am

Wow, opisyal na babalik sa K-pop scene ang sikat na Korean girl group na Momoland dahil bukod sa isang bagong album na lalabas ngayong buwan, papasayahin din nila ang kanilang Pinoy fans dahil mapapanood ang K-pop stars sa iba’t ibang Kapamilya shows.

Yup, as in parang dito na sila mag-e-establish ng kanilang career.

Bago mapanood sa telebisyon, sumabak ang girl group sa ABS-CBN Christmas special sa Ara­neta Coliseum the other night. Ito ang unang pagkakataong magtatanghal ang isang K-pop group sa inaabangang taunang pagtitipon ng Kapamilya stars.

Lilibot din sila sa Gandang Gabi Vice, Tonight with Boy Abunda, pati na MYX. Dapat ding abangan ng kanilang fans ang paglabas nila sa Metro Magazine sa susunod na taon.

Noong nakaraang Oktubre, nagsanib-puwersa ang ABS-CBN at management company na MLD Entertainment upang magkasamang subaybayan ang karera ng Korean idols sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang contract signing. Inanunsyo rin noon na bibida ang lead vocalist ng grupo na si Nancy Jewel Mcdonie sa isang teleseryeng pinamagatang The Soulmate Project, na ipoprodyus ng Dreamscape Entertainment at Proj 8.

Samantala, inanunsyo naman ng Momoland noong nakaraang buwan na magiging anim na lang ang aktibong miyembro nito mula sa orihinal na siyam.

Magmula nang inilunsad sila bilang grupo noong 2016, nakapag-release ang Momoland ng hit songs na Bboom Bboom, BAAM, I’m So Hot, at Banana Chacha. Kilala rin silang top K-POP girl group na sumikat sa ibang mga bansa sa labas ng South Korea, kabilang na ang Pilipinas.

Anyway, sa ginanap na ABS-CBN Christmas special din nagkita sina Liza Soberano and Nancy Jewel McDonie.

Sinasabing magkamukha ang dalawa though parang mas angat pa rin ang ganda ni Liza.

Pareho rin silang nag-post sa kanilang IG account ng photo nila together kaya tiyak na madadagdagan na ang followers ni Nancy sa kanyang IG account. Si Liza ay may 11.3 million followers habang si Nancy ay 235k pa lang.

K-POP LIZA SOBERANO MOMOLAND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with