Sylvia & Sharon
Sylvia ayaw pakialaman ang lakad nina Arjo and Maine
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2019 - 12:00am

Sina Maine Mendoza at Arjo Atayde pa rin ang pinag-uusapan kapag nai-interview si Sylvia Sanchez.

Aware naman daw siya sa bakasyon ng dalawa sa Amerika, dahil nagpaalam naman daw sa kanya ang anak niya. “Alam ko. Alam ko lahat ng kilos ni Arjo. Alam ko lahat kung saan siya pupunta,” pahayag ni Sylvia nang pumirma siya ng managerial contract kay Arnold Vegafria.

“Ayaw ko lang siyempreng... di ba, ‘Oy! Ganito-ganoon ang anak ko!’

“Of course, buhay niya iyon, e! Siyempre, hindi puwede si Arjo na umalis sa bahay nang hindi namin alam, di ba? Nanay, tatay, magpapaalam ‘yon. Alam ko, alam ko pa ‘yung mga plano but sa kanila ‘yon. Bahala silang dalawa.

“Masaya ang anak ko, masaya si Maine. So, masaya ako para sa kanila,” sabi pa ng Kapamilya aktres.

Magiging abala na naman si Maine sa promo ng Metro Manila Film Festival entry nila ni Vic Sotto na Mission Unstapabol: The Don Identity, kaya hindi na raw sila gaanong nakapag-contact sa isa’t isa, o mag-dinner uli.

Ang alam ko mas gusto na rin ni Maine na mag-focus sa pelikula dahil sobrang na-enjoy daw niya nung ginagawa nila ito. Kaya malamang iiwasan din niyang mapag-usapan ang tungkol sa kanila ni Arjo.

Kahit nga si Arjo ay tipid din ang sagot kapag tungkol kay Maine ang tanong. Ang laging sagot niya, “Sa amin na lang po yun.”

Pagreretiro ni Sharon laging nauudlot

Parang hindi naman matutuloy ang semi-retirement ni Sharon Cuneta

dahil naka-commit na pala siyang gumawa ng limang pelikula sa susunod na taon.

Hindi pa kasama roon ang movie project na pagsasamahan nila ni Gabby Concepcion. “Iyun ang isa sa pinagdarasal. Pero ‘yung lima, sure na sure na. Yung pang-anim depende talaga sa kung ano ang mangyari,” pakli ni Sharon nang makatsikahan namin sa Podium sa celebrity premiere Mindanao ni Judy Ann Santos nung nakaraang Lunes ng gabi.

Natatawa na lang nga raw siya dahil tuwing sinasabi raw niyang magri-retire na siya, saka naman  nagtambakan ang offers. “Naloka nga ako. Sabi ko si Lord naman tuwing sasabihin kong magri-retire ako…the last time sinabi ko, dumating Madrasta,” natatawa niyang pahayag.

Pero kung sakaling mag-retire daw siya gusto pa rin daw niyang tumira sa lugar na may snow gaya nung ipinost niya kamakailan lang.

SHARON CUNETA SYLVIA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with