Nay Lolit and Jomari
Jomari nilinaw ang relasyon nila ni Abby, pamilya ni Miko may pakiusap
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

 “Choice niya ‘yun. Baka meron siyang pinag-dadaanan,” sagot ni Jomari Yllana nang mag-guest siya sa Take It… Per Minute! (Me Ganun), ang no. 1

digitalk talk show, kahapon, hosted Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu.

Mainit na pinag-uusapan kasi sa kasalukuyan ang pagtalak sa social media ng dati niyang live in partner na si Joy Reyes na ayon sa actor / pulitiko ay

last year pa sila hiwalay.

Meron silang dalawang anak at after a year saka lang ito nagsalita. “Ayaw natin siyang husgahan kung bakit siya nagsasalita ngayon.”

Sinagot din ng dating Gwaping actor na buntis nga ito nang magkahiwalay sila.

Samantala, open na open na rin si Jomari tungkol sa kanila ng ng comebacking sexy actress na si Abby Viduya (Priscilla Almeda).

Ayon sa actor, matagal na silang may communication as in five years ago pa nang ma-activate ang kanilang pag-uusap.

Nasa Canada pa noon ang dating sexy actress kung saan ito naka-base. Separated na rin ito ngayon sa dating asawa at naiwan ang dalawang anak nito

sa Canada.

Hanggang nagkaroon sila ng agreement na magkita sila sa Australia na that time ay nag-attend siya (Jomari) ng wedding.

Since then ay ok na sila at ‘yun nga naging sila na. “Single naman siya, single naman ako, walang masama,” paliwanag niya tungkol sa kanila ni Abby na

naging ex na rin naman niya noon pang Palibhasa Lalaki days.

Samantala, nagkalat sa social media ang sinasabing photo ng pagtalon sa building ng actor na si Miko Palanca, 41 years old.

Actually, maraming hindi agad nakilala ang actor dahil ang unang balita ay babae ang tumalon. Pero nang ma-identify ng mga pulis ay ang actor pala na

diumano’y dumaranas ng matin­ding depression dahil sa lovelife.

Naglabas na ng statement ang family nila at nanghihingi sila ng privacy sa pagluluksa. “We are extremely saddened and heartbroken by sudden passing

of our beloved brother, Miko Palanca. The whole family is grateful for the incredible outpour of love and support that has been coming in today. As of now,

we would like to respectfully request for privacy as we go through this very difficult time. Again, we appreciate all the love and support-thank you so

much.-Pita, Lisa, Bernard, Erika, Martin and Santi”

Wala namang sinasabi ang pamilya ng actor kung ano ba ang rason ng pagpanaw nito.

Huling napanood si Miko sa Nang Ngumiti Ang Langit at napanood din siya sa Ang Probinsyano.

Naging ex din siya noon ni Bea Alonzo.

Pinag-usapan din ang nangyari kay Miko sa Take It… at naniniwala silang hindi dapat ini-ignore ang depression at dapat matibay ang support system mo

dahil kung hindi talagang bibigay ang isang taong nakakaranas nito.

Dumaan din sa programa si Cong. Nina Taduran para magpasalamat sa programa. Nag-no. 1 sa Party List ang ACT-CIS kaya naman todo ang

pasasalamat nito sa paniniwala nila sa kanya. Sandali lang si Cong. Nina na isa sa mga sumusuporta para ma-renew ang franchise ng ABS-CBN.

JOMARI MR FU TAKE IT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with