Miko ‘di pa sigurado ang dahilan ng pagpapakamatay
(Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

Binalot ng lungkot at pagkabigla ang buong showbiz nu’ng Lunes nang gabi dahil sa paglabas ng balita na tumalon sa isang gusali ang hindi na

masyadong aktibong aktor na si Miko Palanca.

Maaalala si Miko bilang dating contract star ng Star Magic, nakarelasyon nang mahabang panahon ni Bea Alonzo, mula siya sa malaking pamilya ng

mga Revilla.

Kapatid nina Cristina at Johnny Revilla ang ina ni Miko na si Tita Fita, malapit sa pamilya Estrada ang pamilya ni Miko dahil ang namayapa niyang

stepdad na si Dr. Larry Jocson ay doktor ni Pangulong Erap.

Maraming kuwentong lumulutang ngayon tungkol sa pagsu-suicide ni Miko Palanca. Sa isang balita ay lumabas na ang paghihiwalay nila ng kanyang

girlfriend ang dahilan ng kanyang pagtalon sa building.

Meron ding kuwento na diumano’y nalulong sa sugal ang aktor, nabaon sa pagkakautang, kaya kinatakutan niyang lumabas ang ganu’ng balita.

Depresyon, mas marami ang nagsasabi, ang naging dahilan ng pagtalon ni Miko Palanca sa gusali. Matagal na raw kasing depressed si Miko dahil sa

kawalan ng trabaho.

Wala rin daw dito ang kanyang ina, sa Amerika na naninirahan, ang kanyang kapatid namang sina Bernard at Erika at may kani-kanyang buhay na rin.

Lunes nang gabi ay maraming tawag ang tinanggap namin mula sa mga kaibigan at na­ging katrabaho ni Miko. Nagluluksa silang lahat, naaalala nila ang

mabait at tahimik lang na aktor, pangiti-ngiti lang.

Sabi ng isang nakausap naming male personality, “Kung minsan talaga, e, mahirap ‘yung tahimik lang ang tao. Kinikimkim niya ang lahat

ng mga problema niya. Wala siyang pinagsasabihan.”

Ang pakikidalamhati namin sa lahat ng mga iniwan ni Miko Palanca. Ipagdasal natin ang ikatatahimik ng kanyang kaluluwa.

Kontrobersyal na aktres laging pinagmumulan sa gulo ng pamilya!

Takang-taka ang mga kamag-anak ng kontrobersiyal na magkakapatid kung sino at kanino nanggagaling ang mga kuwentong nagiging dahilan ng

kanilang pag-aaway.

Dati nama’y tahimik sila, kahit pa hindi nagkikita, pero mula nang maging close na ang isa sa magkakapatid sa isa pa nilang kapatid ay nagkaroon na

nang matinding giyera sa kanilang pamilya.

Nang mag-usap-usap ang magkakamag-anak ay isa lang ang nadiskubre nila, may isang miyembro ang kanilang pamilya na nagpapasimula ng mga

gulo, dahil du’n siya nananagana.

Kuwento ng aming source, “Actually, nagtataka silang lahat kung bakit biglang naging close si ____ kay ____ (pangalan ng magkapatid na kontroberis­

yal). Tawagin natin silang sina Actress A at Actress B.

Dati kasi, e, si Actress A ang nagsusumbong sa mga relatives nila kung ano ang pagtrato sa kanya ni Actress B! Kapag nagpupunta raw siya at ang mga

anak niya sa house ni Actress B, e, hindi siya ine-entertain!

“Ang ginagawa raw ni Actress B, e, binibigyan lang siya ng panggasolina pauwi, two thousand lang daw, samantalang ang yaman-yaman ng sister niya!

“Palagi raw ganu’n ang ginagawa sa kanya ni Actress B, napakatabang daw ng pagtingin sa kanya, kaya mula nu’n, e, hindi na sila nagpupunta ng mga

anak niya sa bahay ni Actress B!

“Natural, nagagalit ang mga kamag-anak nila! Bakit daw naman ganu’n si Actress B, porke ba sa milyonaryo ang karelasyon niya? Bakit niya naman

ginaganu’n ang kapatid niya?” unang kuwento ng aming impormante.

Pero biglang nagbago nga ang ihip ng hangin. Si Actress A na panay-panay ang paninira nu’n kay Actress B ang super-close ngayon. Sila ang

magkakampi sa laban kontra sa isang kapatid nila.

Patuloy ng aming source, “Nakakaloka talaga si Actress A, di ba naman? Bigla siyang kumambiyo, si Actress B nang ikinukuwento niyang salbahe sa

kanya nu’n ang talagang ka-close niya ngayon!

“Pero hindi na rin nagtataka ang mga magkakamag-anak. ‘Yun na lang kasi ang puwedeng gawin ngayon ni Actress A dahil wala naman siyang

pinagkakakitaan.

“Ang sabi, e, babalik na raw siya sa pag-arte, kesyo may gagawin na raw siyang movie na sa ibang bansa pa kukunan, pero puro drawing pa rin naman

‘yun up to now!

“Naisip niya nga siguro na dahil wala siyang kabuhayan showcase, e, kampihan na lang niya si Actress B para magkadatung siya!

“’Yun mismo ang ginagawa niya ngayon, siya ang starter, siya ang pasimuno ng mga gulo, dahil kapag kinakampihan niya si Actress B, e, nagkakaroon

siya ng bundle of joy (datung)!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

MIKO PALANCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with