Leonardo
Leonardo diCaprio grabe ang pinaglalaban sa climate change
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

Grabe pala talaga ang climate change. Natakot ako sa mga sinabi ni Chaye Cabal-Revilla sa merienda meeting namin noong Lunes tungkol sa very bad

effects sa mundo ng climate change.

Si Mama Chaye ang Chief Financial Officer, Senior Vice President at Group Controller ng PLDT at Smart. Siya ang naatasan ni Papa Manny Pa­

ngilinan bilang Chief Sustainability Officer ng Gabay Kalikasan, ang bagong foundation ng PLDT na may layunin na isulong ang pangangalaga sa

kapaligiran at kalikasan para magkaroon ng public awareness.

Chaye

Scary ang mga kuwento ni Mama Chaye tungkol sa bad effect ng climate change na nakakasira sa kalikasan at pati na rin sa mga tao.

May study na ang hangin na pumapasok sa ating mga katawan, puwedeng makamatay dahil sa critical pollutant na tinatawag na PM2.5.

Bongga si Mama Chaye kapag nagpapaliwanag dahil pumasok talaga sa isip ko ang lahat ng mga sinabi niya.

Kaya tulad ng Gabay Guro, advocacy na rin nina Papa Manny, Mama Chaye at ng PLDT group ang Gabay Kalikasan.

Tiniyak ni Mama Chaye na ipinagbabawal na sa PLDT ang paggamit ng plastic na mukhang mahirap i-apply sa showbiz dahil sa dami ng mga plastic na tao.

Kailangan talaga ng public awareness tungkol sa wastong pangangalaga, pag-iingat at pagmamahal natin sa planet earth.

Biglang na-in love ako kay Leonardo DiCaprio dahil fierce din siya sa pakikipaglaban tungkol sa isyu ng climate change.

Sa Quezon City, tuluyan nang ipagbabawal ang paggamit ng mga plastic bag sa mga supermarket kaya pipilitin ko rin na huwag nang makipag-plastikan. Joke!

Sharon at Gabby naudlot na naman

Hindi pala natuloy ang Gabay Guro Grand Gathering sa La Union noong December 3 dahil kay Typhoon Tisoy at ayon pa rin ito kay Mama Chaye.

Kung hindi nakansela ang event, magkakasama uli sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion dahil sila ang mga special guest.

Mainit na mainit pa naman noon ang isyu na pinaputok ni President Rodrigo Duterte, ang diumano’y sinabi sa kanya ni Sharon na gusto na nitong paalisin sa bahay nila ang asawa niya na si Kiko.

Pero idinenay ni Sharon ang balita. Nang malaman niya ang shocking statement ni Papa Digong, naglabas agad siya ng sagot na “I dunno if it’s true that the President, my ‘Tatay,‘ really said this, and I haven’t been able to see or speak to him since before my brother’s campaign for Mayor! So I don’t know where this is coming from, honestly.”

Juicy news sa TIPMMG lang meron!

Naku Salve, tumawag na si Pat P. para sa lunch with Tet at excited na ako dahil marami na naman chika na mapupulot sa lunch na usually kung saan-

saan lang naman napupunta ang usapan.

But one thing na na-notice ko, hindi naman lumalabas ang mga sensitive topic. Sa PAMI nga, ang daming juicy chika pero hindi naman nagi­ging public

ang aming mga  pinag-usapan kaya masarap ang mga kuwentuhan na talagang comfortable kayo sa isa’t-isa.

Walang takot na baka lumabas ang mga napapag-usapan pero kung gusto ninyo ng juicy news, palagi kayong manood ng  Take It... Per Minute! (Me

Ganun) dahil sa mga pinag-uusapan namin nina Cristy Fermin at Mr. Fu.

Open ang lahat, walang blind items dahil ibinubuko ko. Watch n’yo ang aming online show sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON tuwing Tuesday,

12nn.

CHAYE LEONARDO DE CAPRIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with