Aga
Aga, magpapa-party ‘pag nanalong best actor sa MMFF 2019
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2019 - 12:00am

Isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2019 ay ang Miracle in Cell No. 7 na pinagbibidahan ni Aga Muhlach.

Matagal-tagal nang hindi nakagawa ng pelikula ang aktor kaya ngayon lamang ulit masasaksihan ng mga manonood ang galing nito sa pag-arte. Hindi umano aasa si Aga na masusungkit niya ang Best Actor award sa Gabi ng Parangal.

“Magpapa-party ako, ayokong asahan kasi. More than anything, mas masaya ako na maipakita ‘yung pelikula namin na ginawa. Gusto ko talagang mapanood nilang lahat ‘yung pelikula more than anything,” bungad ni Aga.

May ilang film exhibitors na ang nakapanood ng nasabing pelikula mula sa Viva Films kaya nagugulat daw si Aga kapag may mga pumupuri sa kanyang ginawa rito. “It’s really overwhelming. Kasi hindi ako nanonood ng pelikula ko, napapanood ko lang ang pelikula ko ‘pag premiere night na. Pagka­kita nila sa akin they were started clapping and congra­tulating me. Sabi ko, ‘Wow! Parang nakakahiya naman,’ Ayokong masyadong mag-expect na gano’n. Masaya na ako nag-enjoy sila and they were congratulating me and the whole cast. Siyempre parang alam na nila, may mga haka-haka, may mga predictions silang sinabi, happy sila eh,” nakangi­ting kwento ng aktor.

Romnick, ayaw makipag-close sa mga pulitiko

Hindi nakaugalian ni Romnick Sarmenta na kamustahin man lamang ang mga dating nakatrabo na pulitiko na ngayon. Katulad na lamang ni Mayor Isko Moreno na nakasama sa That’s Entertainment ng aktor ilang dekada na ang nakalilipas. “Hindi masyado, alam ko namang busy siya eh. Not for anything else, pero kahit sino naman sa kanila na nag-politics hindi ako masyadong nangangamusta,” pagtatapat ni Romnick.

Ayon sa dating child star ay nakararamdam siya ng pagkailang kapag kumakausap ng isang politician. “Naiilang ako minsan. Parang feeling ko lang, baka isiping may kailangan ako. Okay lang ‘yan, ‘pag nagkita kami, nagkabanggaan kami, ‘yon, usap kami, kuwentuhan. Pero ‘yung I go out of my way para I-text or kumustahin, hindi ko ginagawa. Ayoko ka­sing may maisip sila na may kailangan ako. Ako ang naiilang,” pagbabahagi ng aktor.

Ngayon ay hiwalay na si Romnick sa asawang si Harlene Bautista. Kahit noong magkasama pa sa iisang bubong sina Romnick at Harlene ay hindi raw kailan man nagpakita ng interes sa pulitika ang aktor.

“All the more na hindi ako kumikibo. Kasi ayokong may magsasabi na ginagamit ko ‘yon. I mean ‘yung mga iba, kunyari si Yul (Servo), di ba tumakbo rin siya pero I worked with him bago pa siya naging politician. Okay kami, parang kuya ang tawag niya sa akin and maski ngayon kuya pa rin ang tawag niya sa akin, so kumportable ako. But then, still kahit si Yul hindi ko siya basta-basta tini-text. Hindi ako nagtatanong ng kung anu-ano kasi nahihiya rin ako,” paliwanag ni Romnick.  

(Reports from JCC)

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with