^

PSN Showbiz

'Di man wagi, Palasyo pinuri si Gazini sa pagkatawan sa Pilipinas sa Miss Universe

James Relativo - Philstar.com
'Di man wagi, Palasyo pinuri si Gazini sa pagkatawan sa Pilipinas sa Miss Universe
"Binigyang dangal at karangalan ni Bb. Ganados ang bansang Pilipinas sa pagpapamalas ng angking kagandahan at kahusayan ng mga Filipino," wika ng Palasyo sa isang pahayag sa Inggles.
AFP/Getty Images North America/Paras Griffin

MANILA, Philippines — Proud na proud pa rin ang Malacañang kay Miss Philippine Gazini Ganados sa katatapos lang na Miss Universe 2019 kahit na bigong mauwi ang korona para sa Pilipinas, Lunes.

"Binigyang dangal at karangalan ni Bb. Ganados ang bansang Pilipinas sa pagpapamalas ng angking kagandahan at kahusayan ng mga Filipino," wika ng Palasyo sa isang pahayag sa Inggles.

Bagama't nakapasok si Gazini sa top 20, bigo siyang makalusot sa top 10.

Back-to-back winner sana ang Pilipinas kung pinalad sana siyang maiuwi ang korona, matapos itong mapalanunan ni Catriona Gray noong 2018.

"Nawa'y matulungan ng kanyang karanasan sa pagsali sa prestihiyosong beauty pageant ang kanyang pag-unlad bilang beauty queen."

"We wish her all the best in her future endeavors."

Una nang sinabi ni Gazini na natatakot siya na baka hindi niya maipahiwatig nang husto ang saloobin niya sa Inggles.

"There are days [when] you feel like you’re not doing enough at all... and what I’m scared the most is to not be able to share my emotions or my feelings in English language," sabi ng kandidata.

Panalo sa taunang pageant si Zozibini Tunzi ng South Africa, habang first-runner up naman si Madison Anderson ng Puerto Rico at second-runner up si Sofia Aragón ng Mehiko.

Pagkapanalo 'birthday wish' sana ng kandidata

Matapos makapasok sa top 20, naungkat ng host na si Steve Harvey ang mahabang pangalan ng pambato ng Pilipinas.

Habang ipinaliliwanag ang ibig sabihin ng kanyang pangalan, nailantad naman niya sa madla na ang pagkapanalo sana ang gusto niyang regalo sa paparating na kaarawan at Pasko.

"Gazini which means Gazan... is my dad’s name. Christiana because I was actually born after Christmas. So I’m December 26," wika niya.

"So Steve, I only want one thing for Christmas and my birthday and you already know about that."

Adbokasiya para sa mga nakatatanda

Sa kanyang opening statement, inilahad din ni Gazini na nakikikipagtulungan siya sa iba't ibang grupo na nagsusulong ng kapakanan ng mga may edad.

"I realized that there’s a thing between called ageism, poverty and exclusivity and invisibility," sabi pa niya.

"We should remember they were the ones who pave the way for us and we reciprocate that love and no one should ever be left behind."

vuukle comment

GAZINI GANADOS

MALACANANG

MISS UNIVERSE

PALACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with