Yassi and Coco
Coco binabantayan na pati susuutin ni Yassi
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

‘Di na raw kailangang umamin

Halos mapuno ang stage ng ASAP Natin ‘To kahapon sa rami ng naging part ng Ang Probinsyano na nag-celebrate ng kanilang 4th year anniversary.

Wow sa tagal pala, ang dami nang napanood at nawala sa programang mga artista.

In all fairness, mara­ming binuhay na career ang FPJ’s Ang Probinsyano na patuloy pa ring humahataw sa rating.

Yup, ayon sa datos ng Kantar Media hindi pa rin natitinag ang FPJ’s Ang Probinsyano  (34.8%) na tinututukan ng samba­yanan na sinundan ng The Voice Kids (34.7%) na nagtapos na naman ng isang matagumpay na season.

Kabilang din sa listahan ng most watched programs nationwide ang TV Patrol  (28.9%),  Starla  (27.4%),  Parasite Island  (27.2%),  Your Moment  (24.9%),  Rated K: Handa Na Ba Kayo  (23.8%),  Home Sweetie Home: Extra Sweet  (23.1%), at  Maalaala Mo Kaya (22%).

So paano mo nga naman tatapusin ang nasabing serye na pinagbibidahan at dini-direk ni Coco Martin?

By the way, kahit ‘di na yata aminin ni Coco, parang sila na talaga ni Yassi Pressman. Sa duet nila kahapon nga sa ASAP, wow, parang intimate na sila.

So asan nga ba si Julia Montes na sinasabi ngang si Coco ang diumano’y ama ng baby na pinanganak nito.

Wala ngang diretsahang pag-amin kina Coco at Yassi pero alam naman diumano ng mga nasa paligid nila kung paano alagaan ng actor ang leading lady niya sa Ang Probinsyano. Ultimo nga raw sinusuot ni Yassi ay may say na ang actor.

Sayang lang at ‘di kasama si Yassi sa Metro Manila Filmfest entry ni Coco na 3pol Trobol, Huli Ka Balbon. Sina Jennylyn Mercado, Sam Milby and AiAi delas Alas ang support niya sa pelikulang mag-uumpisang ipalabas sa Pasko.

Anyway, kung Ang Probinsyano ay  obvious na magtatagal pa, ang Starla naman ni Judy Ann Santos ay wala na diumanong extension kahit nga nagri-rate naman.

Tapos na raw ang story nito at tuloy na ang pagganap ni Judy Ann bilang Mother Lily Monteverde sa bioflick ng Regal Entertainment matriarch na uumpisahan na next year.

Hindi na raw kakayanin ni Juday ang taping at shooting ng pelikula.

ASAP COCO MARTIN YASSI PRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with