PAMI members, solid!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

After a longtime, nag-attend ako ng Christmas party ng PAMI (Professional Artist Managers Inc.) sa Novotel noong Sabado. Dati-rati, ang gifts na dinadala ng mga member for each other natatanggap ko thru June Rufino, so wala ako care na mag-attend tutal nakukuha ko naman ang mga regalo.

For this year, nag-adjust ang PAMI and they scheduled the Christmas party in the afternoon, so wala na akong alibi kaya nag-attend na ako.

Nakita ko sa Christmas party how every member ng PAMI nag-effort para magdala ng regalo, samantalang kami nina Aster Amoyo at Chito Roño, walang dala. Tanggap lang kami nang tanggap.

Bongga si Perry Lansigan dahil dalawang paper bag ang ipinamigay niya sa amin. Si Manny Valera, na-late pa nang dating dahil dinaanan pa niya somewhere ang mga pang-regalo niya.

Sina Popoy Caritativo, Shirley Kuan, Bettina Aspillaga, Arnold Vegafria, Veana Fores at Dolor Guevara, talagang naghirap sa pagbibitbit ng malalaking bag na puno ng mga regalo for everyone.

Ang exchange gift namin ang cute dahil binubuksan talaga at tinitingnan ang reaction ng mga makakatanggap.

Pinaka-coveted ang gift from Jojie Dingcong na wooden Sto. Niño, ang blessed oil ni Father Pio mula sa Rome na bigay ni Leo Dominguez at ang sosyal na power bank mula kay Veana na natanggap ko.

For several hours para kaming mga bata na kain nang kain, palitan ng mga  regalo, may  raffle draw at tsismisan.

PAMI will stay long dahil para itong isang magulo na family tree na iba’t iba ang mga  sanga pero nagkikita sa gitna.

At paano tatalunin ang isang asosasyon na may Veana Fores as member, at mga miyembro na hawak ang mga biggest stars sa showbiz?

At heto pa, ang lawyer ng grupo na galing sa UK at nakatira sa HK, si Atty. Kuan? Joke!

At si Malou Fagar na tanggap na mga senior citizen na ang members ng PAMI kaya Ensure ang ipinamigay niya at siyempre, ako ang pinaka-spoiled brat at harbatera ng grupo.

Isyu kay Jomari may konek sa pulitika?!

Natuwa naman ako dahil hinarap ni Jomari Yllana ang mga negative at controversial issue na lumalabas tungkol sa kanya. Kung anuman ang mga ibinabato ng feeling scorned woman na kanyang nakarelasyon at meron silang dalawang anak, head on na hinarap ni Jomari ang mga isyu.

Natuwa rin ako na may bagong mundo si Jomari bilang konsehal ng Parañaque. Kilala ang mga Yllana na mahusay makisama at mababait na magkakapatid, sina Anjo, Ryan at Polly kaya nakapagtataka na magkaroon ng abandonment issue laban kay Jomari na hanggang ngayon naman ay in good terms sa kanyang mga ex-girlfriend at ma­ging sa kanyang dating asawa na si Aiko Melendez.

Baka politically motivated din ang mga ibinibintang laban kay Jomari, knowing na maganda ang performance niya as Parañaque City councilor at malay natin, baka mag- run siya later sa mas mataas na puwesto kaya ngayon pa lang ay balak na siyang siraan ng kanyang mga kalaban.

MANNY VALERA PAMI PERRY LANSIGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with