^

PSN Showbiz

Marian isa sa ‘wishlist’ ni Gabby

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Marian isa sa �wishlist� ni Gabby
Marian

Ang dinig namin, sa March 2020 pa ang airing ng First Yaya, ang teleserye na pagsasamahan nina Gabby Concepcion at Marian Rivera, pero this Monday na, kukunan ang plug shoot ng teleserye.

In fact, ang sabi, wala pa ring napipiling director ang GMA-7 na magdidirek ng First Yaya  na light ang concept.

Natatandaan namin, sa mga naunang interview kay Gabby, noong bagong pirma niya ng kontrata sa Kapuso Network at tinanong kung sino ang gustong makapareha, isa sa kanyang nabanggit si Marian.

Ngayong all is well kina Popoy at Marian, wish ng supporters ng aktres na after Gabby, si Tom Rodriguez naman ang makasama ni Marian at sa susunod, sila uli ni Dennis Trillo.

Carmina nag-promote sa EK

Ang pasasalamat ni Carmina Villarroel sa Enchanted Kingdom dahil pinayagan silang mag-promote ng MMFF entry nilang Sunod movie. Jackpot si Carmina dahil Sunday kahapon, mara­ming tao sa EK at siguradong may nakumbinse siyang panoorin ang movie kapag ipinalabas na starting December 25.

Kasamang pinasalamatan ni Carmina ang asawang si Zoren Legaspi at sina Mavy at Cassy na sumama sa kanya sa EK. Na-appre­ciate ni Carmina ang suporta ng kanyang pamilya sa pagpo-promote nang pagbabalik niya sa paggawa ng horror movie.

Nakakatakot ang Sunod, ibang klaseng takot ang feel na bigay ng movie kahit trailer pa lang ang napapanood at dahil ito sa direction ni Carlo Ledesma.

vuukle comment

CARMINA VILLARROEL

ENCHANTED KINGDOM

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with