Derek todo pasasalamat kay Andrea
Andrea and Derek

Derek todo pasasalamat kay Andrea

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

Ipinagdiwang ni Derek Ramsay ang kanyang 43rd birthday kamakalawa lang at base sa mga lumalabas sa social media nila ni Andrea Torres, sobrang saya ng Kapuso actor sa surprise party na inihanda ng girlfriend na si Andrea.

Halatang na-surpise ang aktor nang dumating ito sa Romulo’s Café ng Azumi Hotel sa Alabang.

Kasama niya ang anak niyang si Austin at si Andrea.

Nandun na ang buong pamilya at ang close friends na nakisaya sa kanya.

Kaya naman nag-post ito ng pasasalamat kay Andrea dahil talagang na-surprise daw siya nang husto.

Sabi niya sa unang post niya; “Thank you @andreatorres for getting most of the people I love and care for all in one room. You are such a blessing in my life. I am so blessed to be loved by you.

“I love everything about you. I love how you value and take care of your fa­mily. I love how you respect everyone (even the mean peeps), I love how you love my family as much as I love them and I love how you show you truly love me. This is one birthday I’ll never forget!”

Hindi na maitago ang pag-iibigan nila sa isa’t isa, mu­ling nag-post si Derek ng pasasalamat uli sa kasintahan.

Aniya; “About last night! I NEVER get surprised, but @andreatorres changed the game, I love you babe!! Appreciate everyone who came out to celebrate my __birthday with me, love you guys!”

Mahaba rin ang mensahe ng Kapuso sexy actress na ipinahayag niyang hindi siya nagmadali, naghintay siya sa kagustuhan na ibigay sa kanya ng Diyos ang taong mamahalin niya at magmamahal sa kanya.

Lahat daw ay dumating sa tamang panahon na hindi na niya inaasahan.

Bahagi ng mensahe niya kay Derek; “There is no doubt in my heart that you are my answered prayer.

“My love, I will never run out of ways to show you how much I appre­ciate you.

“I wake up everyday with constant goal---to make you happy.

“Remember that you’ll never have to face anything alone. I’m just always behind you—cheering for you, comforting you and, my favorite, making sure you’re well taken care of.”

Happy birthday kay Derek Ramsay na masayang-masaya sa pagdiriwang niyang ito kasama si Andrea.

Aga hindi na conscious sa katabaan

Isang golden boy na si Aga Muhlach at komento ng karamihan, kahit medyo malusog na ang aktor, ang guwapong guwapo pa rin nito.

Pero hindi na raw gaanong conscious si Aga sa look niya ngayon.

Hindi na niya iniisip kung magmukha ba siyang mataba, o medyo tumanda ba siya, dahil masaya na siya ngayon sa lahat na na-achieve niya.

Sobrang excited siya rito sa MMFF entry niya sa Viva Films’ Miracle in Cell No. 7 dahil gustung-gusto niya ang project.

Nung tinanggap niya ang naturang pelikula, sinabi raw sa kanya ni direk Nuel Naval na hindi siya kailangang magpapayat dito, pero okay lang din kung gusto niya.

Hindi siya nag-diet at medyo lumusog nga siya na bumagay naman sa role.

Sabi ni Aga sa nakaraang mediacon, sobrang okay na raw siya ngayon kung tumaba man siya o matured na tingnan.

“I am 50 years old.

“When I was in my 20s, I was the happiest.

“When I was in my 30s, I was the happiest. In my 40s, I’m the happiest also.

“Now, I’m 50, it’s still the same,” pakli niya.

“Pero…it’s still my responsibility to look my best. So, I try.

“I’m not active kasi. I don’t go out. Hindi ako lumalabas, hindi ako pumuporma sa babae,” nakangiti niyang sagot sa amin.

Ang mahalaga para sa  kanya ay bumabagay siya sa role na ipinagkatiwala kahit magmukha man siyang mataba o matured na.

Gazini hirap daw maglakad sa gown

Ang Cebu-based couturier na si Cary Santiago ang gumawa ng mga gowns na sinuot ni Gazini Ganados sa preliminary pageant ng Miss Universe 2019.

Ang komento ng karamihan, medyo hirap siya sa paglalakad sa kanyang evening gown.

Kaya medyo natatakot sila sa magiging resulta ng laban niya sa Miss Universe.

Sobrang kinarir pa naman daw niya ang segment na ito na pabalik-balik siya ng Manila at Cebu para ma-practice lang niya ang paglalakad sa evening gown na iyun.

Pero tingnan natin kung lalaban siya nang bonggang-bongga sa coronation night ngayong araw.

Isa sa maagang nagpahayag ng suporta sa ­ating kandidata ay si Pia Wurtzbach na nag-post sa kanyang Instagram account ng mensahe para kay Gazini.

ANDREA DEREK PASASALAMAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with