Jessica
Jessica binisita ang isla sa denmark na puro pinay ang napangasawa ng kalalakihan
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

Binisita pala ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) team ang  isang group of island sa North Atlantic na ang mga pinipiling mapangasawa ng marami sa kalalakihan ay mga Pilipina!

Yup, ito raw ay ang tagong paraiso ng Faroe Islands sa Denmark na hinirang din ng travel publications bilang Top Travel Destination ngayong 2019. At pinuntahan ito ni Jessica dahil nga daan-daang mga Pilipina na pala ang nakatagpo ng kanilang “forever” sa nasabing lugar.

Kaya malalaman na natin kung bakit  maraming mga Pilipina ang lumalagay sa tahimik sa islang ito.

Nilibot din ni Jessica ang tourist spots sa Denmark na laging nangunguna sa listahan ng Happiest Countries in the World.  At bago tuluyang umuwi ng Pilipinas, may stop over din ang KMJS team sa Istanbul, Turkey upang mag-cruise, mag-shopping, at siyempre mag-food trip.

Tuloy ngayong Linggo ang 15th anniversary celebration ng KMJS pagkatapos ng The Clash sa GMA-7. 

AWARD JESSICA SOHO KMJS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with