Gazini
Gazini ang lakas ng dating sa preliminary competition, ibang kandidata nadulas habang rumarampa
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

Ang lakas ng dating ni Gazini Ganados sa ginanap na preliminary competition ng Miss Universe 2019 kahapon.

Parehong gawa ng designer na si Cary Santiago ang sinuot niyang evening gown at national costume.

Gold ang evening gown ni Gazini na almost the same ang design sa nagpanalong gown sa kanya noong Binibining Pilipinas last July na hot pink at animo’y may pakpak ang design.

Life-sized metal eagle naman ang sinuot niyang national costume.

At kung si Gazini ay nairaos ng maayos ang preliminary competition, major major naman ang pagkadulas ng ibang mga kandidata.

Kailangan pang mag-break sa swimsuit portion para i-map ang floor at maiwasan na ang pagkadulas ng ibang mga kandidata.

Kasama sa mga nadulas sina Miss France, Miss Malaysia, Miss Indonesia, Miss New Zealand and Miss Malta.

Gaganapin ang Miss Universe coronation, na tampok ang komedyanteng si Steve Harvey bilang host, sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA ngayon araw sa kanila, at bukas dito sa atin.

Maiuwi kaya ng Cebuana beauty na si Gazini ang koronang Miss Universe at bigyan ang Pilipinas ng back-to-back win sa 69th Miss Universe na eere nang live via satellite mula sa US sa ABS-CBN at iWant sa December 9 (Lunes), 8 AM.

Anyway, na-proud naman si outgoing Miss Universe Catriona Gray na naging host din ng preliminary competition sa ginawang pagtayo ng mga nadulas na kandidata at kung paano nila dinala ang sarili pagkatapos noon  at saka itinuloy ang laban. “Had such a fun time hosting this years @missuniverse preliminary competition!! Who were your favourites?  So so proud of how the girls picked themselves up with grace and carried their heads high as the audience cheered them on. It’s not about how many times you fall, but about how many times you stand back up again.  #MissUniverse 
Wearing a beautiful piña gown made by @cherryveric

Goodluck Gazini. Bring home the crown kahit maraming nagsasabi na mahirap ang back-to-back win.

Catriona

 

GAZINI MISS UNIVERSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with