Brilliante
Direk Brillante sinagot na ang totoong naging ‘relasyon’ nila ni Coco
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

Naging guest namin sa Cristy Ferminute nu’ng nakaraang Biyernes ang henyong direktor na si Brillante Mendoza. Palagi naming sinasaluduhan ang kanyang pagiging mapagkumbaba.

Maraming beses na niyang binibigyan ng karangalan ang ating bayan sa mga international film festival, pero kahit katiting na yabang ay hindi mo mararamdaman sa kanya, ‘yun na ang kanyang naturalesa.

Nag-iikot siya ngayon para imbitahan ang ating mga kababayan na suportahan sa darating na Metro Manila Film Festival 2019 (MMFF) ang pelikulang Mindanao,tinanghal na Best Actress sa Cairo Film Festival ang bumibidang si Judy Ann Santos, bukod pa sa pretihiyosong parangal na tinanggap ng produksiyon.

Nagpatikim siya sa takbo ng kuwento ng Min­danao. Nakapagitna sa giyera si Allen Dizon na isang sundalo, habang si Judy Ann naman ay lublob sa problema sa kanilang anak, may cancer ang bata.

“Hindi na kailangang turuan si Judy Ann ng kung ano ang dapat niyang gawin, magaling siyang artista, naideliber niya ang hinihingi ng istor­ya,” sabi agad ni Direk Brillante Mendoza.

Kapag nababanggit ang kanyang pangalan ay hindi maaaring hindi maalala ang pangalang Coco Martin. Obra niya ang sikat na aktor, sa unang pelikula nitong Masahista pinag-usapan si Coco, nagsimula bilang bold actor ang action star ng Ang Probinsyano.

Pagkatapos ng pelikula ay naisip ni Coco na magtrabaho sa Vancouver, Canada. Sabi ni direk, “Ginawa niya ‘yun dahil sa maraming disappointments niya sa buhay. Bold actor lang daw siya, maraming issues, kaya nagtrabaho siya sa Canada.”

Bago umalis sa aming programa si Direk Brillante Mendoza ay humingi kami ng basbas mula sa kanya. Puwede ba namin siyang batuhin ng tanong ng bayan na maaari niyang sagutin on national television?

Puwede raw, sabi ni direk, kaya ang aming tanong, “Nagkaroon po ba kayo ng relasyon ni Coco Martin?” ‘Yun kasi ang matagal nang umiikot na kuwento tungkol sa kanilang dalawa.

Isang sundalong nakahanda sa kanyang armas si Direk Brillante sa pagkakataong ‘yun, ang kanyang tugon, “We’re more than friends. We’re more than brothers. It’s beyond that. Hanggang ngayon, nagkakausap kami, walang nagbago sa aming pagkakaibigan.”

At maligayang-maligaya siya sa kinahantungan ng karera ni Coco Martin, ang kanyang obra, ang kasabayan lang niyang nangangarap nu’n.

Coco

Aktor kumpirmadong ilusyon lang ang relasyon sa aktres

Nagkaroon ng konklusyon ang pinagdududahang relasyon ng isang sikat na male personality at ng isang magandang aktres. Madalas sabihin ng lalaking personalidad na lihim silang nagkikita ng female personality pero maraming nagtataas lang ng kilay sa kanyang mga kuwento.

Kesyo magkarelasyon daw sila, pero ayaw lang nilang magdetalye, dahil gusto nilang maging pribado at tahimik ang kanilang relasyon.

Kuwento ng aming source, “O, di lumabas din ang totoo na never silang naging magkarelasyon? At sa bibig pa mismo ng girl nanggaling na ang pinakahuli niyang pakikipagrelasyon, e, du’n sa isang sikat na male personality na nagwawala-walaan dati?

“Nasaan na siya sa picture? Siya itong sabi nang sabi na sila ng magandang female personality, pero bakit hindi naman siya kabilang sa mga nakarelasyon nu’ng girl!

“Nagkaroon tuloy ng conclusion na lahat ng mga kuwento niya, e, ilusyon lang! Kaya naman pala kapag natatanong nu’n ang girl, e, parang nagugulat siya!

“Wala naman kasing katotohanan ‘yung kuwento ng male personality, ginagawa lang niyang front ang girl para may masabi siyang karelasyon!” naiinis na reaksiyon ng aming impormante.

Kahit ang mga kaibigan ng aktres ay napapailing na lang kapag sinasabi ng male personality na magkarelasyon sila ng dalaga. Nag-aapiran na lang ang mga ito.

Patuloy ng aming source, “Nakakahiya ‘yun, ha? Ipinipilit niyang nagde-date sila ng girl, pero ikinagugulat naman ‘yun ng babae dahil hindi naman kasi sila nagkikita nu’ng lalaki!

“Tantanan na kasi ang ilusyon! Huwag nang gumagawa pa ng mga kuwentong madali lang namang mabuking! Ang liit-liit ng mundong ginagalawan nila, ‘no!

“Nu’ng minsan ngang may nagtanong sa sisterette ng girl kung totoong boyfriend ng kapatid niya ang sikat na male perso­nality, e, nakakatawa ang isinagot niya!

“Ano ang sinabi ng sister ng girl, ‘Oh, talaga raw?’ Siguro, pinag-uusapan din nilang magkapatid ang pinalulutang na kuwento nu’ng guy.

“Habang sinasabi niyang magkarelasyon sila nu’ng magandang female personality, e, naglalabasan din ang mga kuwentong iba naman ang talagang nakakasama niya!

“It’s not a bird, it’s not a plane, it’s Superman! Ganu’n ‘yun!” nakaarko ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

BRILLANTE MENDOZA COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with