Lizquen
Liza, ginalingan ang paghalik
SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

Enrique para lang daw grade 2

Nakatutuwang malaman mula kay Liza Sobe­rano na mas magaling siyang humalik sa mga eksenang ginagawa kumpara kay Enrique Gil. Para sa aktres ay mas kumportable siyang gawin ito kaysa sa aktor at kasintahan. “Sa kissing scene, ako ‘yung mas magaling. Parang mas comfortable lang ako kasi para sa akin as in work lang talaga, work siya,” nakangiting pahayag ni Liza.

Ayon sa dalaga ay posibleng naiilang si Enrique sa paggawa ng kissing scenes lalo pa’t maraming nakakakita sa kanila sa set habang ginagawa ito. “Quen’s kiss parang Grade 2. Kapag sa eksena lang ‘yon kasi naalala ko talaga sa Alone Together kasi may scene nasa park kami sa New York. Talagang sabi niya sa akin, ‘Iki-kiss na kita,’ Natakot siya dahil nando’n si tito Ogie (Diaz, talent manager ni Liza) nakabantay. Tapos paulit-ulit kami dahil ayaw niya akong i-kiss,” kwento ng aktres.

Samantala, sa pagpasok ng 2020 ay muling magkakatambal sina Liza at Enrique sa teleseryeng Make It With You. Ibang-iba raw ito sa mga nagawa na ng LizQuen noon. “In this day and age, we have so many options. Ang Gen Z and millennials, we want to work hard to provide for our families and sometimes for themselves. Kaya parang hindi natin priority right now ang love. So parang Make It With You in a world of these options and dreams,” paliwanag ng dalaga.

Makaka-duet din ni Regine  Ian, pangarap na magkaroon ng album

Ian

Halos sunud-sunod ang ginagawang concert ni Ian Veneracion mula noong isang taon. Mu­ling masasaksihang magtanghal ang aktor sa MusicIAN concert na gaganapin sa December 14 sa Solaire.

Marami ang nagtatanong ngayon kay Ian kung ipagpapatuloy na ba ang singing career bukod sa pag-arte sa pelikula at telebisyon.

“Hindi ko alam eh, wala namang plano. It’s just trying out new things. Of course I am going to quit my day job which is movies and television pero ‘yon nga, I can imagine myself, kung pwede hanggang sa pagtanda ko nagtu-tour ako, going to different places and perform music with your band,” pagbabahagi ni Ian.

Muling makaka-duet ng aktor si Regine Velasquez sa nalalapit na concert kaya talagang pinaghahandaan niya ito.

“I am really excited and I am honored to share the same stage with her and to even have a duet with her,” giit niya. Naka-duet na ni Ian ang Asia’s Songbird sa nakaraang concert noong July.

Aminado si Ian na nangangarap din siyang magkaroon ng recording album balang-araw. “I am hoping to do that. Recently I recorded a song. It’s called Pasko Na Naman. It is going to be released sa Spotify on December 14, the same day as the concert. It’s just my version of what a Pinoy Christmas is. Tapos maraming ibang songs din na na-record na, na-final mix na pero wala lang chance na i-release pa pero kapag na-compile ko nang marami-rami, siguro I would like to release a full album,” pagtatapat ng aktor. (Reports from JCC)

IAN VENERACION LIZQUEN REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with