Pia Wurtzbach
Last September pa break Pia, si Siwon Choi ng Super Junior ang pinalit kay Marlon?
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

Kinumpirma ni Ms. Rikka Infantado-Fernandez na for real na ang break up nina Pia Wurtzbach and car racing driver na si Marlon Stockinger.

Si Ms. Rikka and business manager ni former 2015 Miss Universe.

Last September pa raw sila nag-break.

Almost two years din ang relationship nila na on and off. Walang binigay na rason si Ms. Rikka pero matagal nang kumakalat na wala raw kasing stable job ang car racing driver kahit na nga galing ito sa mayamang pamilya.

Kaya pala nung birthday ni Pia sa Bali, Indonesia, family and friends na ang kasama niya.

Ngayong single na si Pia may chance na kaya sila ng K pop superstar na si Siwon  Choi ng Super Junior?

Kilalang super fan ng Super Junior ang beauty queen / actress.

In fact, nagkaroon pa siya ng photo op with Siwon nang mag-concert ang Super Junior (Super Show 7) sa bansa last year at nag-react pa ang K pop singer / actor nang mag-post si Pia ng wax figure nito nang magbukas ang Madame Tussauds Hong Kong kung saan si Pia ang first Pinay na nagkaroon ng wax figure sa nasabing museum.  “hahahahaha” ang comment si Siwon at sagot ni Pia “Di ako makahinga hahaha.”

Regional Ambassador for UNICEF East Asia & Pacific rin si Siwon.

Actually, may communication naman daw ang dalawa ‘yun nga lang may language barrier.

PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with