Bianca
Bianca hitsurang mabenta sa foreigners!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

Ang galing naman ni Bianca Umali dahil binigla niya ang lahat sa good news na magkakaroon siya ng international television series.

Ang itsura at personalidad ni Bianca ang type na type ng foreigners at kahit sabihin na nasasangkot siya sa mga controversy, bagay sa showbiz ang ugali at temper niya.

Kung magiging mature lang si Bianca sa pagharap at pagdadala ng mga intriga, she will go a long way.

Bata pa lang si Bianca nang maulila ito sa magulang kaya ang kanyang lola ang nagpalaki sa kanya.

Parang ang mga bossing ng GMA Artist Center ang nagsilbing guardians niya.

Ang pagiging ulila ni Bianca ang dahilan kaya paminsan-minsan, expected na natin ang paraan ng pagsuong niya sa mga kontrobersya.

She is only 19-years old, mahaba pa ang landas na lalakarin niya sa buhay pero isang bagay ang natitiyak ko, may pot of gold at the end of the rainbow na naghihintay kay Bianca.  

Go go Bianca, congrats!

‘iPhone 11 hindi madaling kalikutin’

Kaloka dahil from 1 pm to 5 pm noong Miyerkules, nasa Greenhills ako dahil ipinaayos ko ang cellphone ko.

Gaya nang dati, lahat ng mga tanong ko tungkol sa cellphone ko, walang nakasagot.

Kalikot, tawag kay Randolf na ginugulo ko dahil meron siyang work. Talagang hopeless ako at ewan ko kung bakit wala akong masagot sa mga tanong.

Kawawa naman ako, mabuti pa si MJ, alam kalikutin ang kanyang phone, alam niya ang apps at password, ako waley!

At sa gitna noon meron pa akong lakas ng loob na mag-dream ng iPhone 11 at Mac Pro eh hindi ko nga alam paano kalikutin ang telepono ko.

Talagang under the wings ako ni Randolf pagdating sa phone.

Aktres hindi na makilala sa bagong hitsura

Shocked ang isang veteran at respected entertainment writer nang mapanood nito ang television commercial ng aktres na matamlay ngayon ang takbo ng career.

Nagulat ang writer dahil hindi niya nakilala agad ang aktres na mahilig magparetoke ng mukha.

Ibang-iba na ang itsura ng aktres noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz sa kanyang physical appearance ngayon.

True naman na malaki ang iginanda ng aktres dahil sa tulong ng siyensya pero sumobra na ang pagpapaayos niya sa kanyang mukha.

Worried ang fans ng aktres dahil baka isang araw, biglang hiwalayan siya ng kanyang boyfriend na aktor.

Baste at Alden komportable na agad

Si Baeby Baste ang bagong co-star ni Alden Richards sa The Gift.

Komportableng-komportable ang dalawa sa isa’t isa dahil matagal na sila na magkasama sa Eat Bulaga kaya very smooth ang taping nila para sa primetime show ni Alden sa GMA 7.

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with