Aktor na mabilis magalit, sobrang manakit
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

Nakatagpo ng katapat ang isang pamosong male personality. Sa mga kuwentong naririnig namin ay palaging nananahimik lang ang mga nakarelasyon niyang kilalang aktres.

Walang nagsasalita sa mga ito kung ano ang pinagdadaanan nila sa male personality na napakabilis magalit. Hindi kayang hawakan ng aktor ang kanyang emosyon.

May mga nagpapayo nu’n na dumaan sa pro­seso ng anger management ang lalaking personalidad, makipagkita rin sana siya sa isang psychiatrist, para maugat kung saan nanggagaling ang pagiging mainitin ng kanyang ulo.

Pero may isang female personality na nakarelasyon ang aktor na hindi nito kinayang pumailalim sa kanyang katapangan. Mas buo ang loob kesa sa kanya ng kilalang female persoanlity.

Kuwento ng aming source, “Bumahag ang buntot niya sa babaeng ‘yun! Super-lambing ang girl, maasikaso, pero hindi siya basta-basta makapapayag na saktan ng karelasyon niya!

“One time, e, nagkaroon sila ng argumento, galit na galit ang guy, gusto niyang pisikalin ang girl na matalino, kaya hindi makalusot ang mga kalokohan niya na nahuli ng girl!

“Itutulak pa lang niya ang female personality, e, hinila na agad siya, ihinulog siya sa hagdan! Literal siyang nagpagulung-gulong sa stairs, malakas ang girl!

“Ilang beses siyang tinalo ng girl, samantalang saan ba siya kilalang-kilala, di ba, sa pakikipagbarilan at pakikipagsuntukan sa mga goons?

“Kaya nga siguro hindi nagtagal ang relasyon nila, e! Alam ng guy na hindi niya kayang basta na lang saktan ang girl! Lumalaban talaga siya, mabigat ang kamay nu’ng babae!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Nagkaroon sila ng isang anak, manang-mana sa kanyang mga magulang ang bagets, guwapo at matalino rin.

Kuwento uli ng aming source, “Dinala sa ibang bansa ng girl ang anak nila, du’n lumaki, malaki na ang bagets nu’ng magkita uli silang mag-ama.

“Pero hindi tumagal ang bagets nu’ng pansamantalang kinuha ng father niya, madalas din silang magkaroon ng misunderstanding, kaya umuwi siya sa house ng mommy niya!

“Walang maipagmamayabang ang male personality sa ex niyang matapang. Kung ang ibang nakarelasyon, e, nakatikim ng pitik sa kanya, ang male pesonality ang ginawang punching bag ng mommy ng bagets!

“Wala siyang choice nu’n kundi ang manghilot at magpahilot ng katawan niya dahil malakas talaga ang aktres! Galing ba naman sa pamilya ng mga atleta ang female personality, ensayado, matindi ang katawan sa balyahan!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Hindi raw lahat ng sumbong ng PA ay totoo Barbie umiyak kay Raffy Tulfo

Tatanggalan na natin ngayon ng talukbong ang young actress na isinumbong-inireklamo ng kanyang dating PA kay Raffy Tulfo.

Sa kabuuan ng panayam ng matapang na news anchor kay Ayin, ang dating PA ng young actress, ay itinago lang siya sa pangalang Manika. Pero may clue. Modelo raw ngayon ng isang kalendaryo ang batang aktres.

Nang makausap siya ni Raffy Tulfo sa tele­pono para hingin ang kanyang panig tungkol sa reklamo ay nakiusap ang young actress na pinagbigyan naman ng news anchor.

“Ang sabi ni Manika, e, huwag ko raw siyang papangalanan on air dahil maaapektuhan ang career niya,” sabi ni Kuya Raffy.

Umiiyak ang nasa kabilang linya, nagsusumamo, hindi raw naman lahat ng isinusumbong ng kanyang PA ay totoo.

Tilarin natin ang pangalang Manika. Sa Ingles, doll ‘yun na isinalin sa Tagalog, kaya wala pang ilang minuto ay nahulaan na agad ng mga tumututok sa Wanted Sa Radyo kung sino ang young actress na sinasabing maldita ng kanyang dating PA.

Sabi ng isang listener-televiewer, “Kilala ko kung sino siya! Si Barbie doll si Manika! Kapangalan niya si Barbie Forteza!”

Sabi naman ng isa pang nakikinig, “Ay, si Ken ang partner niya! Si Barbie Imperial ang inirereklamong maldita ng da­ting PA niya!”

Napakabilis na nahulaan ng mga kababayan natin kung sino si Manika. Walang nagkamali sa panghuhula.

Si Barbie Imperial nga si Manika!

BARBIE IMPERIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with