Yeng
Yeng mas kampi kay Morissette
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

Si Yeng Constantino ang pinuri ng karamihang nakapanood sa premiere night ng MMFF entry ng TBA Studios na Write About Love.

Bumagay sa kanya ang role, at napakamadamdamin niyang pagkanta sa theme song nito at ilan pang awitin.

Doon na rin sa premiere night na ginanap sa SM Megamall nung nakaraang Lunes, iniwasan ni Yeng ang isyu tungkol kay Morisette Amon.

May mga naririnig kasi kaming kuwentong may ilang inqu­ries daw na dapat kay Morisette, pero natatakot na raw sila at baka mag-walkout, napupunta ito sa ilang singers gaya nina Moira dela Torre at Yeng.

Ayaw ni Yeng na sagutin pa ang tungkol kay Morisette, pero sinasabi niyang ang puso niya ay sa kaibigang singer. “Kami pong mga artist, ang ano po namin pag may nalalaman kaming ganung balita, ang concern po namin sa co-artist namin.

“Meron po kaming isang thread na group kumustahan… ang mas ano po namin ang maging okay.

“Isang industriya lang po kami eh. Wala naman pong nagkakaintindihan kundi kami-kami lang po. Kung kami po magkawatak-watak pa at gawing kumpetisyon sa isa’t isa, bad vibes po. Nasa iisang dressing room lang naman kami eh,” pahayag ni Yeng.

Hindi raw siya aware na may ganung kuwentong napupunta sa kanila ang raket na sa halip kay Morisette. “Wala po akong awareness na ganun.

Maingat na lang si Yeng na sumagot pa tungkol sa mainit na isyung ito, dahil umiiwas na lang siya sa mga basher.

Iniba na nga niya ngayon ang YouTube channel niya, na ginawa na niyang musical para iwas bashing na rin.

Natuto na rin daw siya na kapag bad mood ka raw, mas mabuting huwag na mag-check ng social media.

Okay lang daw kung good mood, para alam mo raw kung paano i-handle ang mga basher. “Ganun po talaga eh, iba-iba ang responses ng mga tao. Ang mahalaga ay ang kapayapaan sa puso,” nakangiting pahayag ni Yeng.

Liza at Vivian inaasahang magiging mainit ang tapatan

Nasa London si FDCP Chairperson Liza Diño, kaya hindi kaagad nakarating sa kanya ang hanash ng bagong director-general ng Film Academy of the Philippines na si Vivian Velez.

Ipinorward ko sa kanya ang statement ng aktres na ipinost sa kanyang Facebook account, para hingan ko ng reaksyon. “I respect her opinion,” kaagad na sagot niya sa akin.

Pag-iisipan pa raw niya kung maglalabas din ba siya ng statement kaugnay dito.

Pero karamihang reaction na naririnig namin ay parang hindi maganda para kay Vivian na kasisimula pa lang niyang umupo sa FAP, negative na agad ang napag-usapan.

Bilang in-assume lang niya ang posisyon ni Leo Martinez, mas mabuting makisama raw muna siya at nakipag-usap sa mga taong involved bago siyang naglabas ng hinaing sa social media.

Dagdag na text sa akin ni Liza; “We respect her opinion. FAP is one of our board of trustees. If she has concerns, she can always take it up during our board meeting.

“The Luna Awards this year is a one-time partnership – only because it’s hundred years of Philippine Cinema.”

Hindi na kami nagulat sa isyung ito, dahil parehong malakas ang personalidad ng dalawang babaeng ito. Kaya, hindi na naka­kagulat na magsabong silang dalawa isa sa mga araw na ito.

Sana huwag naman. 

Bagong J pop pinakikilala

Inilunsad nung nakaraang Miyerkules ang bagong all-female group na Japh Dolls. Ang kaibahan nito, may halong Japanese ang lahi nila. Kaya kung may K Pop, sila naman ay J Pop.

Apat na magagandang babae ang bumubuo sa grupo na sina Riyo Nishijima, Ruri Yamamoto, Rei Minagawa at Risa Murayama.

Lahat sila ay half-Pinay, half-Japanese.

Maganda ang line-up ng mga kanta nilang halong Japanese, Tagalog at English.

Patuloy ang training nila rito pero nakapag-perform na sila sa ilang events, at ang recent nga ay ang Miss World Philippines. Sumali rin sila sa Your Moment, pero hindi na nila ito natuluy-tuloy.

Sa darating na Lunes, December 9 ay pormal na silang ilulunsad sa isang kakaibang concert na pinamagatang Fantasy World.

Gaganapin ito sa Music Museum, at special guests nila sina AiAi dela Alas, Kyline Alcantara at ang bandang The Crib.

YENG CONSTANTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with