^

PSN Showbiz

Bianca at mister mga anak lang ang kasama sa renewal of vows

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Bianca at mister mga anak lang ang kasama sa renewal of vows
Intal Family

Ang mag-asawang Bianca Gonzalez at cager na si JC Intal ay ikinasal nung December 4, 2014 sa El Nido, Palawan.  Five years later, muling nag-renew ng kanilang wedding vows ang mag-asawa with their two young daughters Lucia (4) and Carmen (1) as their only witnesses nung nakaraang December 4, araw ng Miyerkules.  Ito’y ginanap in the same location kung saan sila unang ikinasal nung 2014.

Bago napangasawa si Bianca ay naging kasintahan ni JC ang nobya ngayon ni Tom Rodriguez na si Carla Abellana na ex-girlfriend naman ng actor na si Geoff Eigenmann.

Angel lifestyle na ang pagtulong!

Natural na sa Kapamilya actress na si Angel Locsin ang pagiging matulungin sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad sa ating bansa kaya hindi kataka-taka ang kanyang pagkakasali sa listahan ng Heroes of Philantrophy ng latest edition ng Forbes Asia Magazine alongside with billionaires and prominent people from around Asia including SM’s Hans Sy.

Kinilala ang kabayanihan ni Angel na simpleng tumutugon ng mga pangangailangan ng kanyang mga kababayan sa oras ng sakuna kahit hindi hinihingi ang kanyang tulong.

May pagkakataon ding tumulong si Angel sa burol at pagpapalibing sa isa naming kasamahan sa panulat dito sa Pilipino Star NGAYON na si Emy Abuan na umabot ng mahigit P200,000 plus considering na hindi naman sila super close sa isa’t isa.

Very proud siyempre ang magiging mister ni Angel, ang movie producer and businessman na si Neil Arce sa ginawang pagkilala kay Angel ng Forbes Asia Magazine.

Si Angel ay huling napanood sa primetime hit action-drama series na The General’s Daughter na nagtapos sa ere nung nakaraang October 4, 2019.

vuukle comment

BIANCA GONZALEZ

JC INTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with