^

PSN Showbiz

Derek inalok na ng kasal si andrea?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Derek inalok na ng kasal si andrea?!
Derek Ramsay at Andrea Torres

Akala ng mga nakapanood sa video nina Derek Ramsay at Andrea Torres, ang i-a-announce nila ay tungkol sa kanilang kasal dahil sabi ni Derek, big announcement ito.

“HERE IT IS!!! Our big announcement! I asked Andrea if we should start a YouTube channel so that ALL OF YOU can be part of our journey in life, AND SHE SAID YES! Yep that’s  correct I am officially going to start creating content so watch out for our launching on December 15, 2019! We hope to get all of your support on this new chapter of our lives! Nothing scripted, no planning, all 100% real.”

O, hindi ba, misleading ang post ni Derek? Bukod sa sinabing big announcement, may binanggit pang “AND SHE SAID YES!” at “ALL OF YOU can be part of our journey in life” pa.

Pati ang buntis na si Solenn, napa-comment ng “cuticles” at sinagot siya ni Derek na excited sila to see Solenn’s and Nico Bolzico’s baby.

Anyway, nang mahimasmasan ang mga nagulat, hihintayin na lang daw nila ang Dec. 15 to watch the YT channel of the lovebirds para marami silang malaman kina Derek at Andrea.

Pip pinababalik ni Coco sa Probinsyano!

Presscon ng Miracle in Cell No. 7 this Friday and hopefully, kasama sa cast na present sa presscon si Tirso Cruz III na gumaganap sa role ni Sec.Yulo na ama ng batang inakalang pinatay ni Aga Muhlach.

Special role lang si Pip sa Metro Manila Film Festival entry ng Viva Films, pero sa husay nitong aktor, tiyak may impact ang kanyang pagganap. Sa trailer pa nga lang, nagagalit na ang nakapanood.

Kaya, gusto naming makausap si Pip sa presscon dahil may balita ring babalik ang karakter niya sa Ang Probinsyano at ang balita namin, next week na siya magti-taping. Ang sabi pa, si Coco Martin mismo ang nagdesisyon na ibalik ang karakter ni Pip dahil magaling nga at hinahanap siya ng sumusu­baybay sa teleserye ng ABS-CBN.

Ruru at Bianca lantaran na

Ang heartwarming post ni Ruru Madrid sa kanyang 22nd birthday last December 4. Thankful si Ruru sa Diyos sa one year blessing na ibinigay sa kanya. Pasalamat din si Ruru sa mga taong tumulong sa kanya for him to reach his dreams at kasama sa pinasalamatan ang management niya.

Binanggit ni Ruru ang mga dinaanang pagsubok in one year at nakakaintriga ang sinabing “iyon ang pinakamahirap na taon sa buhay ko. Maraming beses na ako muntik sumuko pero kinaya ko dahil sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin.”

Tanong tuloy ng fans ni Ruru, ang nangyari kaya sa kanila ni Bianca Umali sa parking lot ng SM Megamall after ng premiere night ng Cara X Jagger ang tinukoy ni Ruru? O, may iba pang nangyari sa kanya?

Nabasa ang comment ni Bianca sa post ni Ruru na “I You” at sinundan ng emoji ng red lips. Sumagot si Ruru ng “@bianca you I” na ang ibig sabihin, silang dalawa lang ang nakakaalam.

Pero, sabi ng followers ni Ruru, “I love you” raw ang ibig sabihin ng dalawa.

Bianca at direk Mikhail mag-uumpisa na sa Halfworlds

Balik-Singapore sina Bianca Umali at director Mikhail Red para dumalo sa birthday party ng Warner Media sa Singapore at dumalo sila dahil sa HBO Originals na gagawin ni Bianca na Halfworlds at ididirehe ni Mikhail Red.

Sa nakita naming photos, marami sa nasa party at nakipag-picture pa kina Bianca at director Mikhail Red na pawang foreigners.

Nabanggit din ni director Mikhail Red na malapit nang magsimula ang shooting ng mini series na pagsasamahan nin Bianca at Sam Concepcion. Bago simulan ang shooting, i-a-announce siguro ang iba pang kasama sa cast.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with