JC
JC binabalak gawing bida sa bongga...
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

SEEN: Invited ang lahat ng mga artista na naging bahagi ng Ang Probinsyano sa December 8 episode ng ASAP na pasasalamat ng ABS-CBN sa lahat ng mga tumatangkilik sa top-rating primetime action drama series ni Coco Martin. Pagkatapos ng ASAP tribute, magkakaroon naman sila ng thanksgiving merienda para sa lahat ng mga artista at production staff.

SCENE: Ang biruan na tanging si President Rodrigo Duterte ang makakapigil sa pagiging “immortal” ni Cardo Dalisay dahil sa panibagong banta ng pangulo na hindi nito hahayaan na ma-renew ang franchise ng ABS-CBN sa March 2020.

SEEN: Ang plano na magkaroon ng musical play na Bongga Ka ‘Day na itatanghal sa June 2020. Ang Bongga Ka ‘Day ang sikat na kanta ng Hotdog noong 1979 at ginamit na pamagat ng 1980 movie ni Nora Aunor. Si JC Santos ang napipisil para magbida sa Bongga Ka ‘Day dahil marunong siya na umarte, sumayaw at kumanta. Mapapanood si JC sa Miracle in Cell No.7 bilang isa sa mga preso na kasama ni Aga Muhlach sa kulungan.

SCENE: Sina Miss Philippines Gazini Ganados, Miss Thailand Jennifer Paweensuda Saetan-Drouin, Miss USA Cheslie Krsyt at Miss Puerto Rico Madison Anderson ang popular Miss Universe 2019 candidates dahil sila ang mga pinagkakagulohan ng beauty pageant fans sa Atlanta, Georgia, USA.

SEEN: Gulat na gulat si Miss Universe Philippines Gazini Ganados dahil sikat na sikat siya sa Thai fans na lumipad sa Atlanta, Georgia para panoorin ang coronation night ng 68th Miss Universe sa December 8, 2019. Hindi inaasahan ni Gazini na magiging paborito siya ng Thai fans.

SCENE: Ang balita na madalas na tulala sa set ng isang television show ang bidang aktor dahil sa rami ng mga ginagawa nito. Kulang na kulang sa tulog ang aktor na mabilis nang uminit ang ulo dahil sa pagod na nararamdaman.

JC RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with