Miles nagsalita na sa isyu ng katomboyan
Miles

Miles nagsalita na sa isyu ng katomboyan

SHOWBIS NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2019 - 12:00am

Kamakailan ay napabalitang si Miles Ocampo na ang bagong nililigawan ni McCoy de Leon. Ngayon ay nanatiling magkaibigan na lamang sina Miles at McCoy dahil binasted diumano ng aktres ang binata. “Simula pa lang kasi nagsabi na ako sa kanya kung anong desisyon ko. Hindi naman po basted na agad, kasi okay naman po kami na friends. Kasi kung babastedin mo, puputulin mo ‘yung friendship n’yo di ba?” paliwanag ni Miles.

Matatandaang naging kontrobersyal ang paghihiwalay nina McCoy at Elisse Joson bilang magkasintahan noong isang taon. Nabanggit ng aktor sa kanyang pahayag sa amin sa Tonight with Boy Abunda na si Miles na umano ang gusto niyang maging bagong kasintahan.

Masaya naman si Miles sa pagiging single at hindi pa kailan man naranasan ng aktres na magkaroon ng kasintahan. “Hindi ko po alam bakit big deal ‘yon sa ibang tao. Pero for me kasi as of the moment, nae-enjoy ko po sarili ko. Mahilig po akong mag-me time talaga, ‘yung kakain ako mag-isa,” nakangiting pahayag ng dalaga.

May ilang mga naghihinalang baka daw tomboy si Miles kaya hindi nagkakaroon ng nobyo mula noon. “Alam n’yo bakit gano’n ang mga tao ‘no? Kapag walang jowa, tomboy, kalurky,” pagtatapos ng aktres.

Julia, Naloloka sa bagong digital film

Julia

Malapit nang ipa­labas sa mga sinehan ang pelikulang Block Z na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Excited na raw ang aktres na mapanood ito ng mga tagahanga ng kanilang tambalan dahil kakaiba ito sa mga nagawa na noon. “We’re showing na, as in malapit na, parang bagong taon. Pero kasi ang tagal talaga ng pagtapos ng editing. Kasi siyempre it’s an action film tapos zombies pa and sa ibang bansa pa inedit,” bungad ni Julia.

Sa Thailand pa raw ginagawa ang post production o editing ng pelikulang ginawa ng direktor na si Mikhail Red. Kasama rin nina Julia at Joshua sina McCoy de Leon, Yves Flores at Maris Racal sa pinakaaabangang proyekto.

Bukod sa Block Z ay abala na rin nga­yon si Julia sa isang digital film na pinagtatambalan naman nila ni Tony Labrusca. Mapapanood ito sa iWant.ph. “We are shooting almost everyday. Ang ganda-ganda niya. It’s a brand new concept and grabe lang, nakakaloka. Minsan ‘yung character ko do’n naloloka na rin ako eh. I play two people eh, or could be three,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

MCCOY DE LEON MILES OCAMPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with