Sa sobrang generous Angel pasok sa listahan  ng Heroes of Philanthropy sa Asia
Angel
Sa sobrang generous Angel pasok sa listahan ng Heroes of Philanthropy sa Asia
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2019 - 12:00am

Bongga si Angel Locsin. Pasok siya sa bagong listahan ng Forbes Asia’s Heroes of Philanthropy list.

Kinilala ng Forbes ang mga philanthropist na “committed to solving some of the most pressing issues facing the Asia-Pacific.”

Isa si Angel sa mga generous hindi lang ngayon kundi kahit noon pa. At hindi niya ipinangangalandakan ang ginagawang pagtulong sa mga totoong nangangailangan.

Ang pinaka-latest na kawanggawa niya ay nang pumunta siya ng Min­danao at mamigay ng truckload of relief goods sa mga sinalanta ng lindol last October.

Nag-donate din siya noon sa mga nabiktima ng bagyong Ondoy at bumiyahe siya sa Marawi matapos ang ‘giyera’ ng military at mga rebelde.

Maalala ring hindi siya nag-attend sa ABS-CBN Ball at diniretso niya ang tulong sa Bantay Bata.

In all fairness, isa si Angel sa pinaka-batang kasama sa listahan ng ‘Asia’s 2019 Heroes Of Philanthropy: Catalysts For Change’ na lumabas sa forbes.com.

Dalawa lang silang Pinoy ni Mr. Hans Sy, Chairman of the Executive Committee and Director, SM Prime, sa nakasama sa nasabing listahan.

ABS-CBN BALL ANGEL FORBES ASIA’S HEROES OF PHILANTHROPY LIST ONDOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with