Gazini
Gazini si Miss Singapore ang wish na ka-roommate
SCENE SEEN - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2019 - 12:00am

Seen : Tatlong Tagalog movies ang magbubukas ngayong December 4 sa mga sinehan, ang Mañanita ng Ten17P, Love is Love ng RKB Productions at ang Kaibigan ng Perkinspired Film.

Scene:  Si Bela Padilla ang lead actress ng Mañanita at isang sniper ang role niya sa pelikula na mula sa direksyon ni Paul Soria­no. Magugustuhan naman ng LGBTQ community ang Love is Love dahil may kinalaman sa mga relasyon ng third sex ang kuwento ng pelikula na pinagbibidahan nina JC De Vera, Roxanne Barcelo, Jay Manalo at Raymond Bagatsing. Ang Perkins twins na sina Jesse at Christian ang mga bida sa Kaibigan na tinatampukan nina Tirso Cruz III at Cesar Montano.

Seen: Sinuportahan ni Tirso Cruz III ang pagbabalik-showbiz ng kanyang pamangkin na si Tirso Cruz IV, ang lead vocalist ng TCA4 Band na regular na kumakanta at tumutugtog sa Makati Shangri-La Hotel, Resorts World Manila at Conrad Hotel. Ipino-promote nito sa kasalukuyan ang single na Pwede Pa Naman.

Scene: Dala ni Jonas Gaffud sa Atlanta ang mga gown na gagamitin nina Miss Universe Philippines Gazini Ganados at Miss Universe Singapore Mohana Prabha. Ipinagdarasal ni Gazini na si Mohana ang maging roommate niya sa 68th Miss Universe.

Seen: Puwedeng panoorin ng mga maliliit na bata ang Philippine adaptation ng Miracle in Cell No. 7 dahil binigyan ito ng G classification ng MTRCB. Ang pelikula ni Aga Muhlach ang isa sa mga pinakahihintay na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival.

Scene: May dapat panghinayangan si Nadine Lustre dahil kahit maiksi, markado ang role ni Bela Padilla sa Miracle in Cell No.7. Si Bela ang ipinalit nang mag-back out sa project si Nadine. Nawalan si Nadine ng pagkakataon na makatrabaho si Aga nang mag-back out siya sa Miracle in Cell No.7

GAZINI GANADOS MISS UNIVERSE TIRSO CRUZ III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with