^

PSN Showbiz

Papa Albee, Sen. Win at Papa Toby madaling lapitan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Papa Albee, Sen. Win at Papa Toby madaling lapitan
Cong. Albee

Birthday ni Papa Albee Benitez sa December 20 at isa siya sa mga politician na malapit sa showbiz people, lalo pa ngayon na nasa showbiz na rin ang kanyang anak na si Javi na bida sa pelikula na Alpha Kid One.

Tulad ni Papa Albee, BFF din ng showbiz si Senator Win Gatchalian na madalas  nali-link sa mga aktres dahil  eligible bachelor ang mabait na senador.

Win

Gaya ni Congressman Mayor Toby Tiangco, napakadali na lapitan at hingan ng tulong sina Papa Albee at Senator Win.

Very friendly sila at hindi natin mapi-feel na may wall sila sa pagitan ng mga karaniwang tao. Very approachable, very sincere, at very helpful sila kaya hindi kataka-taka na itinuturing sila ng mga taga-showbiz na kapatid na tinatakbuhan kapag may problema

Toby

They are men of power but very helpful. Wish natin na palagi silang nandiyan para meron tayong tinatakbuhan kapag meron tayong problema. Happy birthday Papa Albee, thank you Papa Toby and hoping for your happy lovelife Senator Win. Sana makita mo na ang partner mo for life, ‘di ba Anna Mejia? Love you guys.

Glaiza at Kyline bibida sa All Out Sunday…

Dalawa sina Glaiza de Castro at Kyline Alcantara sa napapabalita na mga magiging mainstay ng All Out Sunday, ang Sunday noontime varie­ty show ng GMA 7 na mapapanood simula sa January 5, 2020.

Malalaman ang complete cast ng All Out Sunday sa susunod na linggo dahil magkakaroon na ng story conference ang lahat ng bubuo sa programa na ipapalit sa Sunday PinaSaya na magpapaalam sa December 22, 2019.

Sa totoo lang, marami sa contract stars ng GMA Artist Center ang magagaling umarte, kumanta at sumayaw kaya sana, makasali sila sa All Out Sunday para maipamalas nila ang kanilang mga talent na hindi pa nakikita ng publiko.

Bagyo bago ang pasko kinasanayan na ng mga pilipino

Nagising ako nang maaga kahapon dahil akala ko, tatama sa Metro Manila ang malakas na bagyong Tisoy eh Take It... Per Minute! (Me Ganun) day na naman natin Salve tuwing Martes.

So sad na marinig ang mga balita tungkol sa destruction ni Tisoy sa mga probinsiya dahil malapit na ang Pasko.

Paano na ang mga kababayan natin na naapektuhan ng mga lindol, nasunugan, at ngayon, winasak naman ng bagyo?

Kung mapapansin ninyo, nagkakaroon ng malakas na bagyo sa Pilipinas sa tuwing sumasapit ang Pasko. Parang testing ground kung hanggang saan natin makakaya na tiisin as a nation ang mga natural calamity.

Sinusubukan din ang ating matatag na pananampalataya pero kahit ano pa ang mangyari, natitiyak ko na we will survive.

We will pass the test dahil mga Pilipino tayo, matatag, matibay at okey lang ang lahat, basta naniniwala tayo kay God. Amen.

vuukle comment

ALBEE BENITEZ

BAGYO

MAYOR TOBY TIANGCO

TISOY

WIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with