^

PSN Showbiz

Frankie ayaw magpapigil

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Frankie ayaw magpapigil
Frankie

May hangganan ang pagbibiro. May limitasyon. Hindi ginagawang biro ang isang seryosong relasyon. At hindi dapat ginagawang laruan ang pagmamahalan ng ating kapwa.

Lumampas sa limitasyon si Pangulong Rodrigo Duterte nang lantaran nitong sinabi na pinalalayas na ni Sharon Cuneta si Senador Kiko Pangilinan pero hindi lang nito magawa dahil walang ibang bahay na matitirhan.

Palabiro ang pangulo, pero sinabi nito na hindi imbento lang ang kanyang kuwento, kapag napatunayang nagsisinungaling ito ay handa raw magbitiw sa kanyang posisyon ang pangulo.

Habang sinasabi ‘yun ni PRRD ay masayang-masaya naman ang mag-asawa habang nililibot ang kanilang farm. Nagulantang ang Megastar kung saan napulot ng pangulo ang ganu’ng kuwento.

Pero hindi nakapagpigil si Frankie, ang kanilang anak na nag-aaral sa New York, ito ang nagbigay ng reaksiyon sa mga salitang binitiwan ng pangulo sa isang okasyong dapat ay ang katapangan ni Gat Andres Bonifacio ang kanyang tinatalakay.

Masamang-masama ang loob ng panganay ng mag-asawa, napakalungkot na nga naman nito sa pamumuhay nang mag-isa sa ibang bansa ay meron pang mga taong mas nagpapalungkot sa buhay ng kanilang pamilya, at ang mismong presidente pa ‘yun ng ating bansa.

Ang sabi ni Frankie, dahil alam naman ng dalaga na walang katotohanan ang rebelasyon ng pangulo, dalawang-kamay nitong iwewelkam ang pagbibitiw sa tungkulin ni PRRD.

Pagbibiro man ay ihinahanap din natin ng tamang tiyempo. ‘Yun walang kulay. ‘Yung hindi kakontra sa pulitika. ‘Yung walang malisya.

Aktres matagal nagtiis sa asawang umbagero!

Nakakatulog na nang mahimbing ngayon ang isang kilalang female personality na matagal na panahong nagtiis sa piling ng kanyang karelasyong napakadudero at seloso.

Kung ang maraming misis ay nasasabik sa pag-uwi ng kanilang mister, ang female persona­lity namang ito ay palaging ninenerbiyos, hindi kasi niya alam kung ano ang magaganap sa kanilang pagkikita.

Kuwento ng aming source, “Sa wakas, nakalabas na rin siya sa hawla! Out of the cage na siya ngayon! Matatahimik na ang buhay niya.

“Napakatagal niyang nagtiis, talagang kinimkim lang niya ang lahat-lahat ng mga ginagawa sa kanya, dahil ayaw niyang malaman ng family niya na ang lalaki palang pinili niyang pakasalan ang magiging pinakamatinding bangungot niya!” unang reaksiyon ng aming impormante.

Sa pagtitipon ng kanilang pamilya nu’ng magkasama pa sila ng male personality ay nauubusan na pala siya ng mga idadahilan kapag may napapansin ang kanyang mga kapamilya sa napaka-flawless niyang kutis.

Patuloy ng aming impormante, “Nakakaawa talaga siya nu’n. Naturingang misis siya ng isang sikat at guwapong artista, pero iba naman ang mga dinadanas niya!

“Reunion ng family nila, napapansin ng mga nandu’n na parang meron siyang mga pasa sa katawan. Nakakaawa siya dahil kung anu-anong dahilan na lang ang isinasagot niya sa mga nang-uusisa.

“Nandu’ng sabihin niya na tumama siya sa gilid ng mesa, nandu’ng nadulas siya at tumama ang braso niya sa kung saan-saan, kung anu-anong alibi na lang ang sinasabi niya! E, napaka-flawless niya, makinis na makinis siya, kaya madaling mahalata ang mga pasa-pasa niya sa katawan.

“Pero nu’ng bandang huli, e, hindi na niya kinakaya ang lahat, kasi nga, pati ba naman ang isang walang kamalay-malay na lalaking nakatira sa bahay nila, e, pinagbintangan nu’ng husband niya na nakasiping niya!

“’Yun na ang the height talaga! Kadugo pa mismo ng male personality ang taong ‘yun na pinag­dudahan niyang nakachurvahan ng wife niya!

“Nagwala na siya, sobrang dumi nga naman kasi ng tingin sa kanya ng lalaking pinagkatiwalaan at minahal niya! Umalis sa kanilang bahay ang guy na pinagbintangan ng husband niya, nagsumbong ang bagets sa mommy niya, ‘yun na!

“Giyera na ang naging kasunod nu’n! Nakakampi ng female personality ang mommy ng guy, du’n na siya nauntog sa katotohanan na kailangan na talaga niyang humiwalay sa mister niya!

“Idinaan niya ‘yun sa legal na proseso, natupad naman ang ipinagdarasal at pinapangarap niya, malayang-malaya na ngayon ang dating sexy actress na balik-trabaho na ngayon!

“Horror movie ang pagsasama nila ng male personality, sa totoo lang, hindi sumikat ang araw sa buhay niya nu’n, puro sunset lang!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

vuukle comment

ACTRESS

FRANKI

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with