Boy nagluluksa sa pagpanaw ng ina
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

SEEN: Nagluluksa ang television host na si Boy Abunda at ang pamilya niya dahil sa pagpanaw noong Linggo, December 1, ng kanyang ina na si Mrs. Licerna Capito Romerica Abunda. Pumanaw si Nanay Lesing sa edad na 90 at nakaburol ang kanyang cremated remains sa Arlington Memorial Chapels & Crematory sa Araneta Avenue.

SCENE: Halos dalawang buwan na na-confine ang ina ni Boy sa ICU ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City. 

SEEN: Nang makausap si Boy Abunda ng mga reporter sa contract signing niya bilang spokesperson ng AMA Online Education for Post-Graduate courses sa Greenhills, San Juan City noong Biyernes, nagpasalamat siya dahil walang nagtanong tungkol sa kalagayan ng kanyang ina. 

SCENE: Bago sumakabilang-buhay ang kanyang ina noong Linggo, tiniyak ni Boy Abunda na hindi siya aalis ng bansa ngayong Pasko dahil gusto niya na magkasama sila ni Nanay Lesing na magdiriwang sana ng 91st birthday sa January 1, 2020.

SEEN: As predicted, si Patricia Javier ang tinanghal na Noble Queen of the Universe 2019 sa coronation night na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel noong December 1, 2019. Bukod sa crowd favorite, si Patricia ang humakot ng special awards.

SCENE: Hindi nagpaawat si Presidential Spokesperson Salvador Panelo nang dumalo ito sa coronation night ng Noble Queen of the Universe 2019.

SEEN: Celebrity Women Empowerment awardees ng Noble Queen of the Universe 2019 sina Ara Mina, Gladys Reyes, Pokwang, Liza Diño at Sanya Lopez. Nang makita ni Atty. Panelo si Sanya, paulit-ulit na hinimok niya ang Kapuso star na sumali sa Bb.Pilipinas.

BOY ABUNDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with